Nineteen

2.7K 42 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA nang malalim si Ygritte dala nang labis na frustration na nararamdaman. Kanina pa siya nakatulala sa kisame pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya dinadapuan ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ni Jon kanina pagdating nila sa beach house at maging ang sweet gesture nito habang nagdidinner sila. Gulong-gulo na siya at hindi na niya alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ukol dito. Sa labis na pagkatuliro ay wala sa loob na dinampot niya ang namataang sticky notes at ballpen na nakalapag sa may bedside table. Parang wala sa sarili na sinumulan niyang isulat doon ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.

I wonder if you know how amazing you are.

You leave me breathless.

You didn't even try but you've stolen my heart;

and I don't want it back.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marealized kung anong ginawa niya. She just express what she feels for Jon sa pamamagitan ng isang maikling tula. Yes, nakapagsulat siya nang isang tula para dito. The fact that she just started writing again horrified her. Dali-dali niyang binitiwan ang hawak na sticky notes at ballpen. Ipinalit niya doon ang kanyang earphones at ipod. Listening to music soothes her mind whenever she was distressed over something. Kailangan niya iyon para kalmahin ang naguguluhan niyang isipan. She engaged herself to it bago siya lumabas ng kwarto at magtungo sa dalampasigan para lumanghap nang sariwang hangin.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon