INIHIMPIL ni Jon ang kanyang big bike sa harap ng bahay ng mga Starks. Pagkagising kaninang umaga ay naisipan niyang mag-ikot-ikot sa Manila. Kahit ano palang traffic at polusyon ang mayro'n sa naturang siyudad ay nakakamiss pa rin iyon. Labin-limang taon rin siyang namuhay doon bago magmigrate ang kanyang pamilya sa England. Pagkalipas nang sampung taon ay nagdesisyon siyang bumalik sa bansa para makapagbakasyon. Mabuti na lamang at laging bukas ang pinto ng tiyuhin niyang si Eddard Starks pati na rin ang buong pamilya nito para sa kanya.
Pagpasok sa loob ay nakita niya ang matandang hardinerong madalas niyang maabutan doon magmula nang dumating siya. Binati niya ito nang magandang araw. Natigilan ito na wari'y sinisiguradong mabuti sa sarili kung narinig nga ba talaga siyang magsalita ng Tagalog. Sa huli ay nag-aalinlangan pa rin na napatango na lamang ito sa kanya. Napailing-iling na lamang si Jon habang naglalakad patungo sa loob ng bahay. He's a pure Filipino pero lahat ng taong makakita sa kanya ay inaakalang foreigner siya. Impluwensiya na rin marahil nang sampung taong paninirahan niya sa England. Sa kabila niyon ay hindi niya nakalimutan kailanman ang sariling wika. Matatas siya hanggang ngayon sa pagsasalita niyon.
Isang hakbang na lamang sana ang layo niya sa front door nang bigla siyang mapahinto matapos mamataan ang babaeng nakaupo sa may sala. She's a tall brunette girl with a remarkably beautiful face and deep set of gentle brown eyes. Kahit malayo ang nilalakbay ng mga iyon ay hindi pa rin maikakaila ang kakaibang lungkot na bumabalot doon. Ilang sandaling pinagmasdan niya ito hanggang sa wala sa loob na luminga ito sa kanyang direksyon. Sa tagpong iyon lumantad sa kanyang paningin ang malalim na pilat sa kanang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...