SINALUBONG nang nakasisilaw na liwanag si Ygritte matapos magmulat ng paningin. Ilang araw na siyang gumigising sa gayong liwanag pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay. Sinubukan niyang tumagilid upang iwasan ang liwanag subalit kaunting galaw niya lang ay tila bumubuka ang tahi sa kanyang kanang pisngi. Napasinghap siya sa sakit dahilan para mapukaw ang atensyon ng kanyang ina na noo'y inihahanda ang kanyang kakainin sa isang tabi. Dali-dali itong lumapit sa kanyang kama.
"Anak, anong nangyari?" bakas na bakas sa tinig at anyo nito ang labis na pag-aalala. "Sumasakit na naman ba?"
Sinulyapan niya ang ina. Gusto niyang sabihin rito na mas higit pa sa pisikal na sakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. The wound she attained was too deep na hindi lamang iyon sa laman tumagos, kung hindi maging sa kanyang kaluluwa, damaging her whole being. Sa sobrang sakit ay namamahid ang buo niyang katawan. Pero sa kabila nang lahat nang iyon ay mas pinili niyang manahimik at sarilinin ang lahat.
"K-Kung ano man ang nararamdaman mo, pwedeng-pwede mong sabihin sa akin, anak." ang wika nito sa garalgal na tinig na wari ba'y kahit hindi siya magsalita ay alam nito ang pinagdadaanan niya. Binalikan nito ang hinahanda nitong pagkain ngunit dinig na dinig niya ang mahihinang hikbi nito. "S-Siya nga pala, nagsampa na ako ng kaso laban sa papa mo, hinding-hindi ka na niya ulit masasaktan, anak."
Nangilid ang luha ni Ygritte sa narinig na huling tinuran ng ina. Kung alam lang nito na mas higit siyang nasasaktan ngayon dahil sa katotohanang tuluyan nang nasira ang kanilang pamilya. Narealized niya, sa simula't-sapol ay siya lamang pala talaga ang nag-effort na panatilihin iyong buo, sa kabila nang katotohanan na sirang-sira na iyon.
"Ma, you and papa, did you ever love each other?" ang wika niya sa mahina at garalgal na tinig. Natitigilang napasulyap sa kanya ang kanyang ina. She never looked back at sa halip ay nanatiling nakatuon ang kanyang paningin sa labas ng bintana. "Kahit minsan ba, hindi sumagi sa isip n'yo na magkasundo, alang-alang sa aming magkakapatid?"
Ilang sandaling binalot ng isang nakabibinging katahimikan ang buong paligid. Sa sobrang tahimik, pakiramdam ni Ygritte, naririnig na niya ang tibok ng kanyang puso. Hindi naglaon, ang katahimikan na iyon ay napalitan nang mga hikbi, papalakas nang papalakas hanggang sa lumapat sa kanyang balikat ang mga kamay ng lumuluhang ina. Napaluhod ito sa isang gilid niya habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Patawarin mo kami, anak. Alam ko na hindi kami naging mabuting magulang sa inyong magkakapatid. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat ay matagal ko na sanang iniwan ang iyong ama." Patuloy ang pagluha nito sa kanyang tabi. "Napakabata pa namin nang magsama kami. Ipinagkasundo kami ng aming mga magulang. Inakala namin na matututunan naming mahalin ang isa't-isa ngunit kahit kailan ay hindi iyon nangyari." pagsasalaysay nito. "Magkaibang-magkaiba kami nang pananaw sa lahat nang bagay kaya hindi kami magkasundo. Sa kabila niyon ay pinili namin manatili sa tabi ng isa't-isa alang-alang sa inyong mga anak namin. Pero sa paglipas nang panahon ay natagpuan namin ang aming mga sariling lalo lamang kinamumuhian ang bawat isa."
Naalala ni Ygritte ang araw na dumating siya sa kanilang bahay at maabutan niyang nag-aaway ang mga ito. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang pinagbuhatan ng kamay ng kanyang ama ang kanyang ina. Dati-rati ay nagbabatuhan lamang ito ng mga salita at hindi naman humahantong sa sakitan ang away ng mga ito.
"Nang araw na iyon ay tuluyan nang nalagot ang mga pisi namin. Masyado na kaming nasakal sa presensya nang bawat isa. Hinangad namin na tapusin ang lahat sa isang malinis na paraan subalit humatong iyon sa sakitan." Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata kasabay ng pagpatak na rin ng kanyang mga luha. Gayunpaman, hindi niya ito sinulyapan at nanatiling nakatingin lamang siya sa labas ng bintana na animo'y sa pamamagitan niyon ay magagawa niyang takasan ang masakit na sandaling iyon. "Wala kaming hinahangad ng mga oras na iyon kung hindi ang kalayaan nang bawat isa. Hindi na namin naisip ang kapakanan mo. I'm so sorry kung kinailangan mo pang madamay sa gulo namin, anak." Hanggang sa huli ay patuloy lamang sa paghingi ng tawad ang kanyang ina subalit kahit ilang sorry pa ang bitiwan nito ay alam niya sa sariling hinding-hindi na niyon magagawa pang paghilumin ang damage na nilikha ng mga ito sa kanyang pagkatao
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...