NAKARAMDAM nang pagbabago sa sarili si Ygritte magmula nang muli niyang buksan ang puso sa pagsusulat. Parang ang isang bahagi ng kanyang pagkatao na nawala matapos ang malagim na insidenteng kinasangkutan ay muling nagbalik sa kanya. Sa nakalipas na mga taon ay pinilit niyang ibaon sa limot ang mga bagay na may kinalaman sa mapait niyang nakaraan sa pag-aakalang kasama niyong mababaon ang mga alaalang ayaw na sana niyang balikan pa. Nagkamali siya pagkat natuklasan niyang habang pinipilit niya itong takbuhan ay mas lalo lamang pala niyang inililigaw ang sarili. Sa pamamagitan ni Jon ay narealized niyang sa halip na takbuhan, ang kailangan pala niya ay harapin ang mga ito dahil bubuuin pala nito ang pira-piraso niyang pagkatao at hindi wawasakin.
"Ygritte, sumama ka sa akin, dali!" Nagulat pa si Ygritte nang bigla na lamang siyang hilahin palabas ni Arya isang hapon habang nagsusulat siya sa kwarto. "I have to show you something!"
"Ano ba 'yon, Arya?" ang nagtataka niyang tanong rito. Subalit hindi ito tumugon at nagpatuloy lang sa paghila sa kanya. Wala naman siyang magawa kung hindi ang mapasunod na lamang dito. "Uy, ano ba kasi 'yon?"
"Basta, sumunod ka nalang." ang ipinahayag nito nang tila makulitan sa kanya. Nakasilay sa mga labi nito ang isang excited na ngiti. Pakiramdam tuloy niya ay mas lalo siyang ninerbyos dahil doon. "Promise, hinding-hindi ka magsisisi kapag nakita mo kung anong sinasabi ko sa'yo."
Napabuntong-hininga na lamang si Ygritte at hindi na lamang nagtanong pa. Paglabas nila ng beach house ay may namataan siyang kumpol ng mga turistang nakapalibot sa silong ng isang coconut tree. Parang may kung anong pinagkakaguluhan ang mga ito doon. Nagulat siya nang kayagin siya ni Arya palapit doon subalit hindi na niya nagawang magreklamo pa. Nakarinig siya nang isang musika na tila nanggagaling sa isang gitara. Palakas iyon nang palakas habang lumalapit sila sa nasabing direksyon hanggang sa malaya na iyong naglalakbay sa kanyang pandinig at malaya niya na ring masilayan ang taong lumilikha niyon. Ito ay walang iba kung hindi si Jon. May kung anong kislap ang dumaan sa mga mata nito nang makita siya. Ilang sandali pa at sinabayan nito nang pagkanta ang pagtugtog sa gitara.
"Beauty queen of only eighteen. She had some trouble with herself. He was always there to help her. She always belonged to someone else."
Natigilan si Ygritte matapos marinig ang unang apat na linyang lumabas sa bibig nito. Ang pakiramdam kasi niya ay siya yung babaeng tinutukoy nito sa naturang kanta. A woman belonged to her bitter past and has a trouble with herself until a man in Ray-ban shades arrived and help her ease all the heartaches and pain she had inside.
"I don't mind spending every day. Out on your corner in the pouring rain. Look for the girl with the broken smile. Ask her if she wants to stay awhile. And she will be loved... and she will be loved."
Habang nimamnam ang bawat salita ng naturang kanta ay napagtanto ni Ygritte na kaparis nang tinutukoy doon ay pinili ng binata ang manatili sa kanyang tabi na wari'y hindi alintana ang mga pinaniniwalaan niyang kapintasan niya sa sarili. Nakita nito ang lungkot sa kabila ng kanyang mga ngiti at ang kagandahan sa likod ng kanyang pilat.
"Tap on my window, knock on my door. I want to make you feel beautiful. I know I tend to get so insecure. It doesn't matter anymore."
Jon makes her feel special by making her feel beautiful. Magmula nang dumating ito sa kanyang buhay ay muli na niyang nagawa ang mga bagay na wala siyang lakas nang loob gawin dati. He also make himself available whenever she needs him.
"I don't mind spending every day. Out on your corner in the pouring rain. Look for the girl with the broken smile. Ask her if she wants to stay awhile. And she will be loved... and she will be loved."
Nang ulitin nito ang chorus nang naturang kanta ay kagyat na nangislap ang mga luha sa gilid ng mga mata ni Ygritte. She realized that Jon doesn't only make her feel special but he also make her feel loved. Dahil doon ay hindi niya namalayan na natutunan niya na pala itong mahalin. Parang gusto niya itong kabigin at umiyak sa mga balikat nito ngunit pinigilan niya ang sarili. The realization that she was already in love with the man hits her so much at natatakot siyang kapag ginawa niya iyon ay hindi na niya ito pakawalan pa kahit na kailan.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...