Two

5K 70 1
                                    

NAPANGITI si Ygritte nang kumislap ang hawak niyang medalya matapos iyong masinagan ng araw. Kakatapos lamang ng awarding para sa Regional School's Press Conference na ginanap sa kanilang paaralan at nasungkit niya ang pangatlong pwesto para sa kategorya ng pagsulat ng pangunahing lathalain. Sa lahat ng participants sa kanilang school para sa iba't-ibang kategorya ay bukod tanging siya lamang ang magiging representative nito para sa nalalapit na national competition kaya naman proud na proud sa kanya ang lahat.

"Ygritte, hija!" maluwang ang ngiting lumapit sa kanya ang kanyang adviser na si Mrs. Santos at niyakap siya. "Congratulations!"

"Thank you po, Ma'am!" napayakap na rin siya rito dala nang labis na kasiyahan. "I'm so proud to represent our school to the national competition!"

Sophomore pa lamang noon si Ygritte nang madiskubre ng isa niyang guro ang angkin niyang talento sa pagsusulat. Kaagad siya nitong inerekomenda sa adviser ng kanilang school paper na si Mrs. Santos na siya namang nagtrain sa kanya. Sa loob ng dalawang taon na pagsabak sa mga kompetisyon ay ito ang unang pagkakataon na naipanalo niya ang Regional level kaya naman masayang-masaya siya dahil alam niyang bago man lamang siya tuluyang makagraduate ay magagawa niyang irepresent ang kanilang school para sa nalalapit na national competition.

"Maraming salamat rin sa karangalang dinala mo sa school, hija." ang wika nito nang kumalas sa kanyang yakap. "Kailangan nating icelebrate ito kasama ang iba pa nating staff writers!"

Bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Ygritte nang marinig ang sinabi nito. Gusto niyang icelebrate ang kanyang pagkapanalo kasama ang mga kapwa niya writers pero mas lamang ang pagnanais niyang umuwi na muna ng bahay para sabihin sa parents niya ang good news. Umaasa siyang kahit papaano ay magagawang pagbuklurin ng balitang iyon ang aso't-pusa niyang mga magulang.

"Ma'am, kung okay lang po, sa ibang araw na lang tayo magcelebrate." ang nahihiya niyang ipinahayag rito. "Gusto ko po kasing umuwi nang maaga sa bahay ngayon, eh."

Nakakaunawa namang ngumiti sa kanya si Mrs. Santos. "Sure, walang problema roon, hija." Ilang sandali pa silang nag-usap bago siya tuluyang nagpaalam rito at sa mga kamag-aral niya.

Habang naglalakad pauwi ay iniisip ni Ygritte kung paano niya sasabihin sa mga magulang ang good news at kung ano kayang magiging reaksyon ng mga ito. Pakiramdam kasi niya ay balewala ang recognition na natatanggap niya mula sa ibang tao kung ang mismong dahilan naman niya para magsumikap sa buhay ay hindi nagkakasundo.

Nakalakihan na nilang limang magkakapatid ang maya't-mayang pagbabangayan ng mga magulang. Wala yatang araw na nagkasundo ang mga ito. Kahit yata maliit na bagay ay pinagtatalunan ng mga ito. Pakiramdam nga niya ay napipilitan lamang magsama ang mga ito nang dahil sa kanilang magkakapatid. Pero alam nilang pare-pareho na hindi iyon sapat para patuloy na mabuklod ang kanilang pamilya. Kaya naman, hindi naglaon, ang pagmamahal na hindi makita ng kanyang mga kapatid sa magulang ay natagpuan ng mga ito sa ibang tao. Nangyari ang hindi inaasahang bagay at maagang natali sa responsibilidad ng pag-aasawa ang mga ito.

Unti-unti silang nabawasan hanggang sa siya na lamang bunso ang naiwan sa puder ng mga magulang. Sa nangyaring iyon ay mas lalong naging matindi ang pagbabangayan ng mga ito. Marahil ay iniisip ng mga ito na mas lalong wala na silang dahilang magsama dahil sa pagkawala ng kanyang mga kapatid. Pero naroon pa naman siya, sa abot ng makakaya niya, pinipilit niyang maging dahilan upang manatiling buo ang kanilang pamilya. Naputol ang kanyang pagbubulay-bulay nang makasalubong niya ang humahangos na kapitbahay nilang si Aling Cercei.

"Ygritte, dali at pumaroon ka sa bahay ninyo!" ang tarantang litanya nito. "Nag-aaway na naman ang mga magulang mo!"

"Ano po?!" Nagtatakbo siya sa kanilang bahay na noon ay natatanaw na niya. Naibagsak niya sa sahig ang bitbit na medalya nang pagdating sa bahay ay maabutan ang amang may hawak na basag na bote ng alak. Nakaamba iyon sa kanyang inang nanggigipuspos sa labis na takot. Walang pag-aalinlangan na tumakbo siya sa kandungan nito para protektahan ito. "Papa, huwag po!!"

Ilang sandali lamang ang lumipas at naramdaman ni Ygritte ang mainit na likidong dumadaloy sa kanyang kanang pisngi. Nakumpirma niyang dugo iyon matapos iyong saluhin gamit ang kamay. Nanghihinang napatingin siya sa anyo ng ama na napahinuhod sa kanyang harapan at sa kanyang ina na lumakas lalo ang mga sigaw bago siya tuluyang mawalan ng malay.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon