Forty-one

3K 39 0
                                    

PINAGMASDAN ni Ygritte ang sarili sa salamin habang suot ang nakapakagandang trahe de bodang nababalutan ng mamahaling bato. Parang hindi pa rin siya makapaniwala na dumating na ang araw nang pag-iisang dibdib nila ni Jon. Bikig nang magkahalong kaba at kagalakan ang kanyang dibdib. Ilang sandali pa at nakarinig siya nang marahang katok mula sa pintuan. Dali-dali siyang lumapit doon at pinagbuksan ang sino mang kumakatok.

"Ygritte," ang naluluhang bungad sa kanya ni Arya pagkabukas niya nang pinto. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila bago sila tuluyang mapangiti sa isa't-isa. Nang hindi na nito napigilan ang sarili ay dali-dali siya nitong ginawaran nang isang mahigpit na yakap. "I missed you, my friend."

Hindi kaagad nila nagawang mag-usap nito dahil pagkatapos nitong dumaan sa art exhibit ni Jon ay nakatanggap ito ng isang tawag mula sa mga staff ng business na pinamumunuan nito sa Hongkong. Nagkaroon daw ng emergency kaya kinailangan nito agad lumipad pabalik doon. Gayon na lamang ang kaligayahan nito nang ibalita ni Jon ang lahat ng nangyari. Kahit madami pang inaasikaso abroad ay agad itong bumalik para masaksihan ang kanilang kasal.

"I missed you, too, Arya." sinapo niya ang mukha nito at pinahiran ang pisngi nitong basa nang luha. "I'm sorry kung nagawa ko mang talikuran ang ating pagkakaibigan sa loob nang mahabang pana – " Hindi na niya nagawa pang ipagpatuloy ang sasabihin nang magsalita ulit ito.

"No, Ygritte. Ako ang dapat na magsorry sa'yo dahil kung hindi sa kagagawan ko ay hindi sana masasayang ang pitong taon ninyo ni Jon. Paulit-ulit akong manghihingi nang tawad sa'yo. Alam kong pinagkatiwalaan mo ko ngunit sinira ko ang tiwalang iyon." Napaiyak na naman ito habang nagsasalita. "Alam ko naging selfish ako at nagpapadalos-dalos sa mga desisyon ko. Hindi ko man lang naisip na ikaw ang masasaktan sa huli. Pero nagawa ko lang naman iyon dahil mahal na mahal kita at gusto kong makitang may nagpapasaya sa'yo nang totoo."

"Ssshh, tama na iyan, Arya." Parang maluluha na rin siya sa mga narinig na sinabi nito. "Alam ko naman iyon ngunit sadyang nagpadala lang ako sa aking galit. Sorry din sa lahat ng pagmamatigas ko at maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal din kita." Nagyakapan sila at pagkuwan ay nagkatawanan. "Tama na nga ito. This is supposed to be a happy occasion. Hindi dapat tayo nag-iiyakan nang ganito."

"Tama ka. Sorry, nagulo pa tuloy ang make-up mo. Ikaw kasi, ang tigas nang ulo mo, eh." Nagkatawanan na naman sila. Pinalis nito ang namuong butil ng luha sa gilid ng kanyang mata gamit ang isang daliri. Pagkuwan ay sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti habang ginagawa nito iyon. "Gosh, Ygritte. You look stunning. Ikaw ang pinakamagandang bride na nakita ko."

Napangiti siya nang maluwang rito. Ano ang mabuting nagawa niya para pagkalooban siya ng Panginoon nang ganito kabuting kaibigan? Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya itong niyakap nang mahigpit.

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon