NAGTATAKANG bumaba nang big bike si Ygritte matapos nilang marating ang tapat ng inuupahan nilang apartment. Ang akala niya ay dadalin muna siya nito sa lugar kung saan pwede silang mag-usap gaya nang gusto nitong mangyari. Hindi niya alam kung bakit diretso siyang ihinatid nito patungo sa kanilang bahay. Nagsawalang-kibo na lamang siya kahit pa ang totoo ay naghihimagsik talaga ang kalooban niya dahil umasam siyang may kahihinatnan ang pag-uusap kuno nila.
"Here it is," hinubad niya ang suot na helmet at saka inaabot dito. Gustong-gusto na niyang tumakbo patungo sa bahay nila. Pakiramdam kasi niya ay maiiyak siya sa sobrang disappointment na nararamdaman. Parang nabalewala lang din ang lahat ng kilig na ipinadama nito sa kanya kanina. "Thank you sa paghatid... mag-ingat ka."
Tatalikuran na sana niya ito subalit muli nitong naagapan ang isa niyang braso. Nabuhay ang pag-asa sa kanyang dibdib. Nasasabik na muli niya itong hinarap.
"A-Ano 'yon?" ang nagkakanda-utal niyang ipinahayag. Hindi siya humihinga habang nakatitig dito. Pakiramdam niya ay huminto rin pati ang pag-ikot ng mundo. "M-May sasabihin ka pa ba?"
Kaparis nang madalas nitong gawin ay ilang sandaling nanatiling nakatitig lamang ito sa kanya. Palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib sa bawat segundong lumilipas. Gayunpaman ay matiyaga siyang naghintay sa tugon nito.
"I-I like you, Ygritte." ang sinserong ipinahayag nito habang matamang nakatitig sa kanyang mga mata. "I want to court you."
Ygritte couldn't breathe for a few seconds. There, narinig na niya ang bagay na inaasam-asam niyang marinig mula dito. She can now rest assured na may tugon ang damdaming iaalay niya dito.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomansaIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...