PINAGMASDAN ni Ygritte ang sarili sa full-length mirror na nakadikit sa wall ng kwartong pinagsasaluhan nila ni Arya. Pinahiram siya nito ng beach outfit para sa dinner ng pamilya nito. It was a black midriff topped with a crochet monokini cover-up, denim shorts, at sandals. The outfit revealed her curves and her smooth long legs. Nailang tuloy siya dahil bukod sa hindi siya nagsusuot niyon ay hindi rin siya sanay makita ang sarili sa gayong ayos.
"Does it really suit me?" tanong niya sa kaibigan habang hindi pa rin maalis-alis ang mata niya sa salamin. "Parang masyado yatang revealing."
"Girl, anong revealing ang sinasabi mo?" ang eksaheradang wika nito. "Ang tawag dito ay perfection!" she points out every angle of her body. "Kaya, sige na, huwag ka nang masyadong madaming arte diyan!"
Wala na siyang nagawa kung hindi ang umalis sa harap ng salamin. Di nagtagal nang maiayos ang mga mga pinagpilian nilang damit ay niyaya na siya nito sa labas. Naabutan nilang nakaset na ang table sa harap ng beach house at may mga nakalapag na ring sari-saring pagkain doon. Sa tabi niyon ay ang mga magulang ni Arya na masayang kinukuhanan ng picture ang isa't-isa gamit ang isang DSLR camera.
Dumako ang kanyang paningin sa griller na nakapwesto sa di kalayuan. Nakita niyang nakatayo sa harap niyon si Jon at matiyagang pinapaypayan ang nakasalang na barbeque at ilang seafoods. Nakasuot ito ng maluwag na shirt na mukhang sadyang ginupit ang magkabilang tagiliran. This gave her a preview of his well-maintained athletic body. Sa bawat pagkumpas nito sa hawak na pamaypay ay sunod-sunod ring naglalabasan ang mga biceps nito.
"Oh, hinay-hinay sa pagtingin, 'te." ang bulong ni Arya sa kanyang tabi. Wala siyang kaalam-alam na habang pinagmamasdan niya si Jon ay nakatingin pala ito sa kanya. "Sige ka baka matunaw 'yan."
Mabilis pa sa alas-kwatrong inalis niya ang paningin sa direksyon nito at saka patay malisyang nagtungo sa table. Tatawa-tawa namang sumunod sa kanya ang kaibigan. Di naglaon nang matapos si Jon sa mga iniihaw ay sinamahan na rin sila nito doon. Sa isang iglap ay kumabog na naman nang malakas ang dibdib ni Ygritte nang maupo ito sa upuang nasa tapat niya. Sinubukan na lamang niya iyong balewalain pero habang tumatagal ay patindi nang patindi ang tensyon ang nararamdaman niya.
"Ygritte, do like grilled fish?" nagulat pa siya nang biglang umalingawngaw ang baritonong tinig nito sa kanyang pandinig.
Pinag-angatan niya ito ng paningin at napamaang siya nang ang sumalubong sa kanya ay ang matamis na ngiti nito. Napatango na lamang siya pagkat pakiramdam niya ay mahihirapan na naman siyang hagilapin ang kanyang dila. The tension is all over her body.
"Here it is," nilagyan nito ng inihaw na isda ang plato niya at nang hindi pa makuntento ay hinimay pa nito iyon gamit ang hawak na kutsara at tinidor. "Careful sa tinik ha."
Awtomatikong pinamulahan nang mukha si Ygritte sa sweet gesture na iyon ni Jon. Samantala, nakita niya namang nakangiting nagsikuhan sa tagiliran ang mag-asawang Starks. Pero ang pinakamakahulugan sa lahat ay ang ngiting nakasilay sa mga labi ng kaibigang si Arya na nakapwesto naman sa kanyang tabi. Napayuko na lamang siya sa sobrang pagkailang na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomansaIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...