Forty

3.1K 46 2
                                    

NAKAHINGA nang maluwag si Ygritte nang makitang maikli na lamang ang pila nang mga readers na gustong magpapirma sa kanya. Nang magsimula kasi siya kanina ay halos umabot na sa labas ng hall ang naturang pila. Nagulat talaga siya pagkat hindi niya akalain na gano'n karami ang magkakainteres na bumili ng kanyang libro. Ang sabi nga niya kanina sa sarili ay masaya na siya kung may sampu o dalawampung darating. Hindi niya talaga inaasahan ang dagsa ng mga readers na ito.

She was really overwhelm to meet each of them. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang makukulay na kwento kung paano sila nakarelate sa mga tula sa kanyang libro. Ang iba naman ay sinabing nang dahil sa kanya ay nainspired ang mga itong magsulat din nang sarili nilang komposisyon. Aliw na aliw siya kaya nga lamang ay talagang napapagod na siya. Sa kanyang tantiya ay mahigit tatlong oras na siyang nakaupo doon at walang humpay sa kakaasiste sa mga ito.

"Hi, Miss Ygritte!" ang masiglang bati sa kanya nang kahuli-hulihang reader sa pila. "I'm so pleased to meet you po!"

"Gano'n rin ako," isang maluwang na ngiti ang ipinagkaloob niya rito. "Anong pangalan mo?"

Wala namang pag-aatubiling sinabi nito ang pangalan sa kanya. Kinuha niya ang aklat niyang hawak nito. Sinulatan niya iyon nang dedication sa bandang harapan at saka nilagyan ng pirma sa dulo.

"Here," nakangiti pa rin na inabot niya rito ang naturang aklat. "Maraming salamat sa pagbili ng libro ko ha?"

"Naku, wala po iyon, Miss Ygritte!" ang sabi nito bago mayamaya ay biglang mapakamot sa ulo. "Ahm, Miss Ygritte, pwede po bang magtanong sa inyo?"

Nagulat siya bagaman hindi niya iyon pinahalata rito. "Sige, ano ba iyon?" pagkuway tanong niya na rito.

"Ahm, ano, gusto ko lang po kasing malaman," patuloy ang pagkamot nito sa ulo na animo'y hiyang-hiya. "Sino po ba ang inspirasyon ninyo sa likod ng mga tulang nasa libro, Miss Ygritte?"

Natigilan siya at hindi kaagad nagawang magsalita. Isang tao lamang ang agad na pumasok sa kanyang isip pagkarinig nang tanong nito. Iyon ay walang iba kung hindi ang nag-iisang lalaking minahal at hanggang ngayon ay umookupa pa rin sa kanyang puso: Si Jon. Sinulat niya ang mga tulang iyon nang mga panahong magkasama sila sa beach house ng pamilya ni Arya. Nagpatuloy siya sa pagsulat kahit noong hindi na sila magkasama. Iyon ang dahilan kaya halos mapuno niya ang buong notebook.

"Miss Ygritte?" ang nagtatakang pukaw ng naturang reader nang hindi siya tumugon makalipas ang ilang sandali. "Okay lang po ba kayo?"

Ibubuka pa lamang sana niya ang bibig para magsalita nang biglang dumating ang anak na si Bran. Nagulat siya pagkat ang buong akala niya ay naro'n lang ito sa kanyang tabi. Hindi niya namalayan na nakalabas pala ito. Humahangos na lumapit ito sa kanyang kinaroroonan.

"Mama, halika!!" hinila nito ang isa niyang braso at pilit siyang itinayo. "Sumama ka sa akin!"

"T-Teka, ano bang nangyayari sa'yong bata ka?" ang naguguluhan niyang sabi rito. "Saka, saan ka ba galing?" aniyang halos hindi na alintana ang reader sa kanyang harapan. "Bakit ka umaalis nang hindi man lang nagpapaalam?"

"Sige na, mama, sumama ka nalang kasi sa akin." ang sabi nitong parang hindi narinig ang kanyang mga sinabi. Walang babala siya nitong hinila at saka tumakbo. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang mapasunod rito. "Excuse me po!" ang sabi nito sa reader nang madaanan nila.

"B-Bran... ano bang... sa'n mo ba ako dadalin?" Napasulyap siya sa reader na nakakaunawang ngumiti naman sa kanya. Isang apologetic na ngiti naman ang itinugon niya rito. Then she mouthed, "Sorry,"

She Will Be Loved [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon