NAPIGILAN ni Ygritte ang kanyang hininga nang matanaw ang beach house ng pamilya nina Arya. It was a Mediterranean beach house with an admirable porch in front. Ilang hakbang lamang ang layo niyon sa white sand beach na napaliligiran ng coconut trees. Ang pakiramdam tuloy niya ay nasa Hawaii siya sa ganda ng naturang tanawin. Natinag lamang siya nang maramdaman ang paghinto ng makina ng sinasakyang bangka. Nakita niyang nagpatiunang bumaba si Jon. Lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay upang alalayan siyang bumaba. Pakiramdam niya ay ilang sandali na namang nagmalfunction ang kanyang utak bago niya nagawang abutin ang kamay nito.
"T-Thank you," ang halos pabulong na sabi niya rito nang makaapak na ang mga paa sa lupa.
Ilang sandaling nanatiling nakatitig lamang ito sa kanyang mukha. Nakaramdam na naman tuloy si Ygritte ng pagkaasiwa sa kanyang pilat kaya yumuko siya. Sa gulat niya ay hinawakan nito ang kanyang baba at itinaas iyon. Nagtama ang kanilang mga paningin.
"Don't shy away, Ygritte." ang sinserong ipinahayag nito habang direkta pa ring nakatitig sa kanyang mga mata. "You're beautiful and you're always welcome." then he smiled the sweetest smile of him.
Natigilan si Ygritte at hindi nagawang magsalita sa narinig na tinuran nito. Awtomatikong bumilis ang tibok ng kanyang puso at nag-init ang magkabila niyang pisngi. Sa loob nang mahabang panahon ay ito yata ang unang pagkakataon na may lalaking nagsabi sa kanya na maganda siya sa kabila ng kanyang pilat. Sinubukan niyang hanapan ang mga mata nito ng bakas ng pagkukunwari subalit wala siyang nakita doon kung hindi sincerity. Sa isang iglap ay napuno ng galak, kasiyahan, at pagka-overwhelm ang kanyang dibdib.
"Hoy, kayong dalawa diyan!" ang sigaw sa kanila ni Arya mula sa porch. Wala silang kamalay-malay na nasa beach house na pala ito kasama ang mga magulang nito. Sila na lamang pala ni Jon ang naiwan sa labas. "Hinihintay na tayo nina mama at papa sa loob kaya tama nang pagliligawan diyan!"
Sa narinig na huling tinuran nito ay mas lalo tuloy nag-init ang magkabilang pisngi ni Ygritte. Paano nito nagawang gamitin ang term na "nagliligawan" sa kanila ni Jon gayong wala namang nangyayari gano'n. Nang sulyapan niya si Jon ay nakita niyang direkta pa rin itong nakatingin sa kanya na animo'y hindi alintana ang sinabi ng pinsan. Naiilang na agad siyang nagbawi ng paningin at binalingan si Arya.
"Oh, shut up, Arya! Nag-uusap lang kami!" ang bwelta niya rito bagaman tinawanan lamang siya nito. Naaasar na nakagat na lamang niya ang kanyang lower lip. Kahit ilang pa rin ay binalingan niya ang binata sa tabi. "A-Ahm, I think we should get inside."
Nakangiting tumango lamang ito sa kanya. Nagpatiuna na siyang maglakad patungo sa beach house. Panay ang buntong-hininga niya pagkat alam niyang nakasunod pa rin ang tingin nito mula sa kanyang likuran. Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili at natuklasan niyang mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sunod-sunod na napalunok siya. Ano bang nangyayari sa kanya?
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...