NAHIHILAM na ng luha si Ygritte at halos hindi niya na rin makita ang kanyang dinadaanan. Naririnig niya ang pagtawag sa kanya ni Jon subalit hindi siya humihinto. Patuloy lang siya sa pagtakbo as if it will ease the pain inside her after what she discovered. Hindi niya mapaniwalaan na isang malaking set-up lamang pala ang lahat. Ang buong akala niya ay totoo ang lahat ng sinabi at ipinakita nito sa kanya. At si Arya? Paano nito nagawang utusan ang pinsan nito na ligawan siya. Gano'n na ba kadesperada ang tingin nito sa kanya? Ang dami-daming tanong ang naglalaro sa kanyang isipan ang gusto niyang mabigyan nang sagot. Pero hindi niya alam kung pa'no... hindi niya alam kung sino pa ang mapagkakatiwalaan niya... ang paniniwalaan niya. She felt both betrayed and hurt. Ang akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa ulit ang gayong sakit pero nagkamali pala siya.
Dahil walang kalinawan ang isip ay hindi niya napansin ang mataas na humps sa kanyang daraanan. Napatid siya doon at naging dahilan iyon ng kanyang pagkadapa. Nakaramdam siya nang kung anong hapdi sa kanyang tuhod pero hindi pa rin niyon nagawang tumbasan ang hapdi na umookupa ngayon sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang tumayo subalit bago pa man niya iyon tuluyang magawa ay isang kamay na ang naramdaman niyang humawak sa isang braso niya. Nang mag-angat siya ng ulo ay nasalubong niya ang mga mata ni Jon. Sari-saring emosyon ang mababakas doon pero pinakanangingibabaw sa lahat ang lungkot at pagsisisi.
"Bitiwan mo nga ako!" hinawi niya ang kamay nito at saka pinilit tumindig sa kabila nang nanginginig na mga tuhod. "Ano pa bang ginagawa mo dito ha?"
Napapipikit ito nang mariin saka bumuntong-hininga. "Ygritte, makinig ka naman muna sa akin, please." nagsusumamong sabi nito.
"Ano pa bang dapat kong marinig, Jon?" ang galit na tugon niya rito. "Bistado ko na lahat ng panloloko n'yo, eh!" ang kanyang ipinahayag. "Alam ko nang isang malaking set-up lang ang lahat nang ito!"
Natigilan ito matapos marinig ang huling tinuran niya. Sapat nang ebidensiya ang pananahimik nito bilang kumpirmasyon doon. She felt a sharp knife stabbing her heart into a million pieces.
"Sabihin mo nga sa akin kung bakit, Jon?" basang-basa na nang luha ang kanyang mukha pero mistulang hindi n'ya iyon napapansin. "Gano'n ba talaga kababaw ang tingin n'yo sa akin ni Arya ha?"
"No, hindi gano'n yon, Ygritte." puspos ang pagtanggi nito. "Ang gusto lang naman niya ay maboost yung self-esteem mo. Maappreciate mo yung sarili mo. Ygritte, gusto ka lang naman niyang makitang sumaya."
"Gusto niya akong makitang sumaya?!" pinilit niyang tumawa sa kabila nang mga luha. "Oo, tama ka, sumaya nga ako." sinalubong niya ang paningin nito. "Sumaya ako pero mas nasaktan ako."
Nakita niyang may kung anong damdamin ang dumaan sa mga mata nito pagkarinig niyon. It was as if his heart aches to know that he had hurt her so badly. Gayunman ay masyado na siyang okupado nang sakit na nararamdaman niya para bigyan pa nang pansin iyon.
"I'm so sorry for every pain that I've caused you," kapansin-pansin ang labis na kalungkutan sa tinig nito. "But believe me, I did love you, Ygritte."
"Liar!" ang kanyang ganti rito habang patuloy pa rin sa pagluha. "Ang akala ko pa naman ikaw na yung refuge ko sa lahat ng sakit na dinanas ko noon. Nagkamali ako kasi dadagdagan mo lang pala lalo ang pilat sa puso ko." pakiramdam niya ay mapupugto na ang kanyang hininga sa labis na pag-iyak. "Binigay ko sa'yo nang buo yung sarili ko, Jon. I told you everything, everything about me, and my past. Pagkatapos malalaman ko lahat pala nang mga pinakita mo sa akin ay set-up lang?" nakagat niya ang kanyang lower lip. "Bakit, Jon?" she asked. "Dahil ba naaawa ka sa akin?"
"Hindi totoo 'yan, Ygritte!" Hindi na rin nito napigilan ang hindi magtaas ng boses. "Siguro nga set-up lang ang lahat nang ito. Pero lahat ng mga sinabi at ipinakita ko sayo, totoo lahat 'yon. I just realized that I didn't do my cousin a favor kasi gusto ko lang makitang sumaya ka. But rather, I'm trying to find a way para mapalapit sa'yo, kasi noong una palang, minahal na kita." tinitigan siya nito nang direkta sa kanyang mga mata. "Ygritte, mahal kita."
"Pwede ba, Jon?!" she shouted at the top of her lungs. "Stop feeding me with your lies dahil kahit ano pang gawin mo, kahit ano pang sabihin mo, there's no way I would trust you ever again." matigas na sabi niya rito. "Please tell the same thing to Arya."
Pagkasabi niyon aytinalikuran na niya ito at malalaki ang hakbang na iniwan ito. Sinubukan panitong habulin siya subalit bago pa man siya nito tuluyang maabutan aynakasakay na siya ng taxi. Nanlalambot na napaluhod na lamang ito habang inihahatidng tanaw ang sinasakyan niyang taxi.
![](https://img.wattpad.com/cover/198223482-288-k519098.jpg)
BINABASA MO ANG
She Will Be Loved [COMPLETED]
RomanceIsang pilat ang iniwan ng ama ni Ygritte sa kanyang mukha. Ngunit higit na malalim doon ang pilat na iniwan nito sa kanyang pagkatao. Sa pagdating ni Kit, nakalimutan niya ang mapait na nakaraan. Subalit magawa nga kayang punan ng pagmamahal nito an...