Chapter 4.

368 4 0
                                    

Date Published: June 1, 2020

CHAPTER 4.

ASHER'S POV

Nang nakauwi ako ay agad kong dinala sa loob ng guestroom 'yong babae at inihiga siya sa kama.

Tinanggal ko lahat ng mga saplot niya sa katawan at doon ko nakita lahat ng mga sugat niya.

May tama din siya ng bala at mga saksak sa katawan. May mga galos din siya at mga sariwa pa.

Buti buhay pa siya hanggang ngayon kung ganito kalala ang sugat niya. Agad akong kumuha ng gamot para gamutin ang sugat niya.

Kumuha na rin ako ng bandage at ang iba pang kagamitan na kakailanganin ko para magamot siya.

Buti na lang at graduate sa isang med school para naman sa tamang panahon ay aalagaan ko sila dad kapag nagkasakit sila.

~~~~

Niligpit ko na lahat ng mga gamit ko nang tapos ko na siyang gamitin. Buti na lang at may stock pa ko ng dugo dito kaya naagapan pa ang pagkaubos ng dugo niya.

Ano kaya nangyari sa babaeng 'to? Bakit ganiyan ang nangyari sa kaniya? Kriminal ba siya?

Pero impossible kung kriminal siya dahil ang ganda niya at mukha siyang mayaman.

Ginawa ko na 'yong trabaho ko bilang doktor at gumawa pa ng mga tests para malaman kung meron pa ba akong hindi nakikita sa kaniya.

~ NEXT DAY ~

Pagkagising ko ay agad akong bumangon at lumabas mula sa kwarto. Agad akong pumunta sa guestroom at pumasok doon.

Nakita kong tulog pa rin siya pero medyo naging okay siya dahil sa unti-unti nang bumabalik ang dati niyang kulay.

Napatingin ako sa bag niyang nakalagay sa sofa at lumapit doon. Hawak niya 'to kagabi kaya dinala ko na rin.

Binuksan ko 'yong bag at tinignan ang laman no'n. Mukhang normal naman ang laman dahil puro make-up at I.D lang ang laman at may pera at cellphone din.

Nang tinignan ko 'yong cellphone niya ay nakita kong lowbat na ito kaya naman binalik ko na sa loob 'yon.

Kinuha ko 'yong I.D niya at tinignan ang pangalan niya. Kumunot ang noo ko nang nabasa ko 'yong apilyedo niya.

Valerie Aisha Aldous.

Isa siya sa pamilyang 'yon? Hintayin ko na muna siyang magising para mai-uwi ko na agad siya sa kanila. Ayokong makulong dahil baka akala nila ay kinidnap ko siya.

Napalingon ako kay Valerie nang narinig ko siyang umungol ng mahina. Agad akong lumapit sa kaniya at nakita kong gising na siya.

Napatingin siya sa'kin at hinawakan ako sa pisnge. Agad akong napalayo mula sa kaniya dahil sa sobrang gulat.

"Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari?" Mahinang tanong niya. Umupo ako sa kama at inalalayan siyang umupo at pinasandal siya sa headboard ng kama.

"Nandito ka sa bahay ko dahil nakita kitang walang malay sa isang creek." Paninimula ko.

"Ako si Asher Reonal. Isa akong businessman at doktor. Pwede bang malaman kung bakit nasa creek ka at walang malay?" Kumunot ang noo niya.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon