Chapter 19.

236 4 0
                                    

Date Published: June 21, 2020

CHAPTER 19.

Nakapatong pa rin siya sa'kin at magkapayakap pa rin. Kanina ko pa sa sinasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

"Stop, wife. I know how much you love me now. Baka hindi ako makapagpigil dito at hindi ka na makalakad mamayang umaga." Banta niya kaya tumahimik ako.

Ngumuso ako sa kaniya kasi nagsu-sungit na naman siya sa'kin. Nagiging sweet lang sa kaniya eh.

"Nagiging sweet lang eh." Bulong ko at umalis siya mula sa pagkapatong niya sa'kin at tumabi sa tabi ko.

"Bakit ka umalis? Ayaw mo na ba sa'kin?" Niyakap niya ko at niyakap ko rin siya pabalik.

"Baka kasi nabigatan ka na sa'kin kaya umalis na ko. Ayoko namang masaktan kita." Hinalikan niya ko sa noo.

"Hindi naman ako nabibigatan eh." Sagot ko at tinawanan niya lang ako.

"Asher..." Hinawakan ko siya sa pisnge niya at tumingin ng diretsyo sa mga mata niya.

"Tanggap mo ba ako kapag nalaman mo 'yong tungkol sa totoo kong pagkatao?"

"Of course. Whoever or whatever you are before, tanggap pa rin kita." Napangiti ako.

"No need to worry, okay?" Tumango ako sa kaniya at nginitian niya ulit ako ng matamis.

Tumalikod siya mula sa'kin at may kinuha mula sa drawer at humarap ulit siya sa'kin.

May nakita akong maliit na pulang box at binuksan niya na 'yon. May nakita akong singsing na may diyamante sa gitna.

Napahawak ako sa noo ko nang namukhaan ko 'yong singsing. Saan ko ba ulit nakita 'yan?

"Bakit parang pamilyar 'yong singsing?" Tanong ko at may nakita akong imahe sa utak ko.

May lalaking nagbigay sa'kin ng ganiyang singsing pero hindi ko makita ang mukha niya.

"Okay ka lang? May masakit ba?" Umiling ako at pinikit ang mga mata ko.

"Wala naman. May naalala lang pero hindi siya masyadong malinaw." Sagot ko.

"Para saan 'yong singsing?" Tanong ko. Para sa'kin ba 'yan at ibibigay niya ba sa'kin?

"Let's get married." Kinuha niya 'yong kamay ko at sinuot ang singsing sa daliri ko.

"Kasal na tayo ah? Bakit tayo magpapakasal ulit?" Takang tanong ko pero hindi ko maiwasan na hindi kiligin.

"I want you to experience a real wedding. Ayoko 'yong minadali kaya ulitin natin and this time with my family and friends." Tumango ako at bigla akong may naalala.

"Ako dapat magpo-propose sa'yo eh. Kaya nga ako nagre-research." Napabuntong hininga siya.

"Lalaki dapat ang nagpo-propose, Aisha. I know that you can't wait pero sana naman next time, wait for me, okay?" Tumango ako.

"Sige na nga. Ikaw na panalo para dito." Pagkasabi ko no'n ay bigla akong napahikab.

Siniksik ko na 'yong sarili ko sa kaniya at natulog na. Bukas na lang ulit kami mag-usap.

ASHER'S POV

Hinimas ko ang buhok niya para makatulog agad siya. Nag-aalala lang ako sa kaniya sa tuwing nakaka-alala siya.

Kasi baka may naalala siya na hindi niya sinasabi sa'kin. Ano ba talaga 'yong nangyari sa'yo nang hindi natin alam dalawa, Aisha?

Bago umuwi kanina ay pumunta na muna sa isang mall para bumili ng singsing.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon