Chapter 26.

203 3 0
                                    

Date Published: February 8, 2021

CHAPTER 26.

AISHA

~ AFTER ONE MONTH ~

Nasa mall kaming dalawa ngayon ni Asher at nag i-ikot habang namimili ng mga kakailanganin namin sa bahay.

Nakasuot ulit ako ng face mask para walang makakilala sa'kin, mas lalo na 'yong mga taong gusto akong patayin.

Magkahawak kamay kaming dalawa nang bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Wife, are you okay?" Tanong niya nang napansin niyang nakahawak ako sa noo ko.

"Bigla na lang akong nahilo, hubby." Sagot ko at inalalayan niya kong umupo sa upuan.

"Nasusuka ka ba?" Umiling ako. Napabuntong hininga siya at binuhat niya ko.

"I'll take you to a hospital." Sabi niya at hindi na ko nakasagot sa kaniya dahil sa sobrang pagkahilo.

ASHER'S POV

~ REONAL HOSPITAL ~

Nandito ako sa ospital na pinagmamay-ari ni dad at nasa labas ako ng room.

Tinitignan pa kasi ni kuya Aaron si Aisha sa loob kaya hinihintay ko lang matapos.

Si kuya Aaron ay ang nakakatanda naming kapatid ni Ricklyn. Hindi siya nauwi sa bahay dahil lagi siyang busy.

Si Ricklyn naman ay nasa U.S. ngayon at doon na nagta-trabaho. No'ng isang buwan ko lang nalaman ang tungkol doon.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas na 'yon at nakita kong lumabas si kuya Aaron.

Tumayo ako at nginitian niya ko. Hinawakan niya ko sa balikat at pinalo 'yon ng marahan.

"Congrats. Buntis asawa mo." Napangiti ako nang narinig ko 'yong sinabi niya.

"S-she's pregnant? Pwede ko ba siyang makita?" Tumango siya at agad akong tumakbo papasok.

Naabutan ko si Aisha na nakaupo sa kama at nakahawak sa tiyan niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at hinawakan din ang tiyan niya. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin.

"May baby na tayo. Aalagaan ko siya, hubby." Nakangiting saad niya at tumango ako.

"At aalagaan ko rin kayo." Sagot ko at hinalikan ang tiyan niya. Inalalayan ko na siyang tumayo at may inabot na risete sa'kin si kuya.

"Kailangan mong ipakain sa kaniya lahat ng nakasulat diyan para maging healthy 'yung pamangkin ko." Tumango ako.

"Wife, he's Aaron Reonal. My big brother." Pagpakilala ko kay Aisha sa kapatid ko.

"Hi, Valerie. Mom and dad told me everything about you. I'm happy to meet you." Nagkamayan silang dalawa.

"Nice to meet you rin po."

"Call me kuya, okay? At kapag inaway ka ng kapatid ko, sumbong mo sa'kin. Awayin ko rin." Natawa si Aisha at tumango.

"Una na kami kuya at kailangan na niyang magpahinga." Sabi ko at naglakad na kami paalis.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa tapat ng sasakyan at pinagbuksan na ni Selle ng pintuan si Aisha nang may humablot bigla sa braso nito.

"Anong kailangan mo?" Agad kong niyakap si Aisha palayo mula sa lalaki at agad namang tinulak ni Selle ang lalaking 'yon.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon