Date Published: February 20, 2021
CHAPTER 30.
AISHA
Nandito kami sa lobby ng hotel at nakita kong wala pang ka-design design ito. Kasama ko silang lahat at ito-tour nila ako.
"Wala pang design." Komento ko at tumango silang lahat.
"Kasi naghahanap pa kami ng pwedeng i-design dito." Sagot ni dad sa'kin at tumango ako.
"Pwede po bang tumulong? Hindi naman po ata nakakapagod or nakaka-stress ang paghahanap ng design diba?" Tanong ko.
"As long as hindi ka mapapagod or ma-stress, it's fine. Okay?" Tumango ako kay Asher at napangiti.
"Kailan po kayo maghahanap ng mga designs?" Tanong ko ulit.
"Mamaya. Sama ka sa'kin, Valerie?" Tumango ako kay tita Scarlett at hinimas niya ang buhok ko.
"Kung buhay pa sana ang anak naming babae ay dapat kasama din natin siya ngayon." Lumungkot ang mukha niya.
"Ano pong nangyari?" Takang tanong ko sa kaniya. Ito ang unang beses na nakita kong lumungkot siya ng ganiyan.
"May pinuntahan siya no'n at hindi na siya nakabalik sa'min pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na buhay siya." Sagot niya.
"Alam kong buhay siya at kailangan lang naming maghintay para makita siya ulit." Tumango ako.
"Sana nga po ay makita niyo siya ulit." Ngumiti siya at pinagpatuloy na namin ang tour.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nakita ko na 'yong resort part ng hotel at napakadaming slides at pools na nandito ngayon.
Wala pa itong tubig dahil nililinis pa pero once na malinis ito ay lalagyan na nila ito ng tubig at open na for public.
Ang casino naman ay dalawang lugar sa loob. Ang non-smoking at smoking area. Para ito sa mga taong naninigarilyo at hindi.
May mga tao kasi na gustong magsugal pero hindi mahilig magsigarilyo o ayaw makalanghap ng usok na mula sigarilyo kaya gumawa sila ng paraan para doon.
Ang huling destinasyon namin ay ang bakanteng parte ng hotel kung saan gagawin nilang garden.
Malaki ang space na 'to kaya alam kong maraming mailalagay na iba't ibang halaman at bulaklak dito.
"Dapat pala lagyan din ng mga ilaw para kapag gabi ay may makita sila mula sa dinadaanan nila." Komento ko.
"Don't worry. Naisip na namin 'yan kanina kaya nagtawag na kami ng tao na pwedeng gumawa." Sabi ni ninong Bladrine.
"Sir, nandito na po sila miss Zarina." Napalingon kami at nakita namin sila Zarina na naglalakad palapit sa pwesto namin.
"Salamat po at kami po ang pinili niyo para dito, tito." Sabi niya. Napatingin naman sa paligid si Alezer.
"Malaki 'to ah. Marami kayong kakailanganin dito para mabuo 'yong garden." Komento niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
Любовные романыAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...