Chapter 31.

185 2 0
                                    

Date Published: February 22, 2021

CHAPTER 31.

AISHA

Nasa hotel ngayon si Asher at tumutulong. Hindi ako sumama dahil gusto kong nandito lang ako hardin ng bahay namin.

Nakaupo ako sa tela na nilapag ko sa damuhan at nagpapahangin habang nakain ng manga. May sarili kaming tanim ng manga kaya napakarami nito.

Nagulat ako nang naramdaman kong sumipa si baby mula sa loob ko at natawa ako ng mahina.

"Tuwang-tuwa din ikaw baby ah." Nakangiting komento ko at pinunasan na ang kamay ko gamit ang wipes.

Hinimas ko ang tiyan ko habang nakatingin sa mga bulaklak ng anemone na nasa harap ko.

Masaya ako dahil payapa ngayon at hindi ako natuntun ng mga tuma-target sa'kin kahit na may nakakita.

"Miss, may kailangan po ba kayo?" Tanong ni Lenette sa'kin at umiling ako.

"Wala po akong kailangan ngayon. Salamat." Sagot ko at huminga ng malalim.

"Hindi ko hahayaan na may mangyaring hindi sa'yo, baby." Komento ko at hinimas ng paulit-ulit ang tiyan ko.

ASHER

Nasa hotel ako at tumutulong sa pag-aayos. Sila tita Scarlett at Aisha ang pumili ng mga design para sa hotel kaya tuwang-tuwa sila dad dahil sa magaling siyang pumili.

Kahit na maraming trabahador ang nandito ngayon ay natulong pa rin kami dahil sa para hindi sila mahirapan pa.

Saka wala din naman kaming gagawin kundi ang manood lang kaya tumulong na kami sa pag-aayos at pag-disenyo.

Hindi sumama si Aisha ngayon dahil gusto niyang nandoon lang siya sa hardin ng bahay namin at nakain ng mga prutas.

Minsan, hindi ko siya maintindihan pero hinayaan ko na lang dahil baka epekto 'yon ng pagbubuntis niya.

Ayoko din naman siyang isama ngayon dito kasi baka magpagod na naman 'yon at may mangyaring hindi dapat sa kanila ng anak namin.

Marami namang bantay sa bahay kaya alam kong ligtas siya doon. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya para sa kaniya.

THIRD PERSON

Ginilitan ng leeg ni Ark ang isang lalaki habang kasama niya si Vaughn. Inisa-isa na nila ang pagpatay sa mga kalaban para hindi na mapahamak pa si Valerie.

"Dad, where are the others po?" Tanong ni Ark. "Tara na. Doon na tayo." Sagot ni Vaughn at umalis na sila mula sa lugar na 'yon.

ASHER

~ AFTER FOUR MONTHS ~

Nagising nang naramdaman kong inaalog ako ni Aisha mula sa tabi ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong umiiyak siya.

Agad akong napabangon at tinignan kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon. Ganito siya lagi tuwing umaga at hindi ko alam kung bakit.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon