Date Published: March 1, 2021
CHAPTER 34.
AISHA
~ AFTER FIVE MONTHS ~
"Kain na baby." Sinubuan ko si Valer at sinunod ko naman si Ashrie. Medyo tumataba na sila parehas dahil sa lagi namin silang pinapakain.
Malaki na din ang tiyan ko at hindi ako makapaghintay na magkaanak ulit para makasama na namin siya.
"Wife, I'm going now. Call me if something happens, okay?" Hinalikan niya ko sa labi at tumango ako.
"Yes, hubby. Kapag kailangan mo ng tulong or ng idea, tanungin mo ko ah."
"Yes, wife. Don't worry." Hinalikan niya sa noo 'yong mga bata at umalis na siya.
Pinakain ko ulit ng pagkain ang mga bata at pagkatapos no'n at nilabas ko na sila sa garden dalawa.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Kinuha ko 'yong kamay ni Valer para isuot sa kaniya 'yong puting gloves para hindi siya humawak sa kung saan pati rin si Ashrie.
Minsan kasi ay naghahawak sila ng buhangin o halaman tapos kakainin nila. Ayoko naman magkasakit sila dahil do'n.
Nang nakita kong gumapang si Ashrie papunta sa bulaklak ay agad ko siyang pinaupo sa kandungan ko.
Nang nakita kong gumapang paalis si Valer ay gano'n din ang ginawa ko. Ang kulit na nila simula no'ng natuto silang gumapang.
"Ano ba babies? 'Wag kayong makulit please." Sabi ko at tinawanan lang nila ako dalawa.
Niyakap ko silang dalawa at pinaghahalikan sa ulo. Kahit na makulit silang dalawa ay mahal ko pa rin sila.
"I love you babies." Bulong ko napangiti na lang ako.
~ AFTER FOUR MONTHS ~
Naglalakad ako pababa ng hagdan habang nag-aalala. No'ng pinagbubuntis ko sila Ashrie ay hindi naman ganito kalaki ang tiyan ko.
Umupo ako sa tabi ni Asher at hinawakan ang kamay niya. Napalingon siya sa'kin.
"Hubby, hindi naman ganito kalaki tiyan ko no'ng buntis pa ko kanila Ashrie diba?" Tumango siya.
"Pero bakit ngayon ganito na kalaki? Sobrang laki." Nag-aalalang tanong ko pa.
"Niyaya kita dati na ipa-ultrasound ka para malaman natin ang gender ng baby pero umayaw ka." Sabi niya.
"Baka naman kasi triplets 'yan, wife? Hindi lang talaga natin alam." Hinawakan niya ko sa tiyan at hinimas 'yon.
"Hubby, paano kung iba na 'to?" Tanong ko naman at napabuntong hininga siya.
"Just trust me, okay? Wala kang sakit o kung ano man at mga anak natin ang dala-dala mo ngayon." Paniniguro niya at tumango na lang ako.
"Tulog pala sila Ashrie sa higaan nila." Pinasandal niya ko sa kaniya at naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo.
"Don't worry, okay? Everything's okay." Bulong niya pa at tumango ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din ang ginawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...