Chapter 15.

248 4 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 15.

ASHER'S POV

Nabyahe na ko papuntang kompanya nang napadaan ako sa isang flower shop at napahinto ako saglit.

Ano kaya 'yong paboritong bulaklak ni Aisha nang mabigyan ko naman siya mamaya pagka-uwi ko?

Tinignan ko kung hanggang anong oras bukas ang shop at nakita kong hanggang 9 PM ito.

Napangiti ako at pinaandar na ulit ang sasakyan bago pa ko ma-late sa meeting dahil alam kong pagti-tripan na naman ako nila tito Bladerim.

Matanong nga si Mr. Aldous mamaya para sa paboritong bulaklak ng kapatid niya. Tutal, lagi naman niya kong kinakausap para kamustahin ang kapatid niya.

~~~~

Nakaupo na kaming lahat sa upuan at nakikinig kay dad na nagsasalita sa harapan. So, ang casino ay nasa underground para hindi ito mapuntahan ng mga bata.

Ihi-hiwalay din nila ito at lalagyan ng mga guards para hindi mapuntahan ng mga bata at lalagyan din nila ng mga smoking at non-smoking area.

"The status of the hotel is malapit nang matapos. Thanks for the funds of Arcana, Ashworth, Aldous and the other na hindi pa namin nakikilala." Sabi ni dad.

"Maganda din ang design at pagkakagawa sa hotel dahil sa anak ni Khael." Nakangiting dugtong niya pa.

"Yes, Amaryllis is really a genius. Kahit na nag-aaral pa lang siya ay she really knows her stuff." Komento naman ni Orion.

"Of course, that's our family that you're talking about." Komento naman ni Mr. Aldous.

"So, that's all for today." Sabi ni tito Bladerim at napangiti nang napatingin siya sa'kin.

"So Asher, how are you? May natututunan ka naman ba dito?" Tumango ako sa kaniya.

"Yes, tito. But I still need to learn everything para po mas maayos ko po ang pag-handle dito kapag binigay na sa'kin ni dad." Sagot ko.

"Dapat lang dahil talagang babatukan kita 'pag hindi maayos ang pag-handle dito." Sagot naman ni dad.

"Naalala ko tuloy 'yung mga panahon na tinuturuan pa ni daddy si kuya. Lagi siyang nababatukan." Natawang komento naman ni tita Scarlett.

"Hindi na kailangang malaman ng iba ang tungkol diyan, princess." Napabuntong hininga si dad.

"How is she?" Seryosong tanong ni Mr. Aldous.

"Ayos lang naman siya kaso napakakulit." Sagot ko at napatingin ako sa cellphone ko.

"Sinabi na ngang 'wag pagurin ang sarili niya ay pinapagod niya pa rin ang sarili niya." Dugtong ko.

Nakita kong nag-text si Aisha sa'kin at napabuntong hininga ulit ako. Ano ba talaga gustong mangyari ng isang 'to?

Tinawagan ko na siya at agad naman niyang sinagot ang tawag ko. May naririnig pa kong ingay mula sa pwesto niya.

"Hubby, pwede ba? Gusto kong subukan 'yon." Pamimilit niya sa'kin.

Gusto niya kasing magpabili ng mga bulaklak para magtanim sa hardin ng bahay.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon