Chapter 36 | Asher.

188 4 0
                                    

Date Published: March 9, 2021

Kasalukuyang tinitignan ni kuya si Aisha at napabuntong hininga siya.

"Ano ba nangyari?" Takang tanong niya.

"Nakita niya 'yong mga pinsan niya at 'yan na 'yong nangyari."

"Nakikilala na niya 'yong mga tao na mula sa nakaraan niya. Normal lang 'yan." Tumango ako.

"Magpahinga na lang muna siya para bumalik ang dati niyang lakas." Tumango ako at inayos na niya ang gamit niya.

"Una na ko. Marami pa kong pasyente."

"Sige. Salamat, kuya." Sagot ko at lumabas na kami mula sa kwarto. Pagkababa namin sa sala ay nakita ko si Zarina na may hawak na bouquet.

"Salamat, Zarina." Binayaran ko na 'yong bulaklak at kinuha ito.

"Mukhang may problema, huh? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Nahimatay lang si Aisha pagkatapos niyang makita ang mga pinsan niya." Komento ko.

"Gano'n ba? Sana maging ayos na siya." Napatingin siya kay kuya.

"Kuya si Zarina - asawa ni Alezer. Zarina si kuya Aaron." Pagpapakilala ko.

"Hi. Nice to meet you." Nakipagkamay sila.

"Una na ko kasi baka marami na namang tao sa ospital." Tumango ako at napatingin kay Zarina.

"Sumabay ka na kay kuya, Zarina. Para makabalik ka ng mas ligtas." Saad ko at sumunod na si Zarina kay kuya.

Bumalik naman ako sa kusina para pagpatuloy ang pagluluto ko.

AISHA

Nagising ako nang medyo nanlalabo ang mga mata ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama at napatingin sa paligid.

Bumangon na ko at naglakad papunta sa kwarto ng mga bata at naabutan ko 'yong dalawang babae na mag-aalaga sa mga bata.

"Hello po." Bati nila at nginitian ko sila. Lumapit ako kay Ashrie at nakita kong ayos lang sa kaniya na iba ang kumakarga sa kaniya.

"Ang bait naman ni Ashrie ngayon. Parang dati makulit ka ah." Komento ko at tumingin siya sa 'kin.

Kinarga ko si Ashrie nang inilahad na niya 'yong mga braso niya. Tumawa siya ng malakas nang kinarga ko na siya.

"Bakit kayo nandito? I mean, mukhang bata pa kayo kaya bakit nagta-trabaho na agad kayo?" Tanong ko.

"Tapos na po kaming mag-aral, ate. Advance kaming nag-aral eh." Tumango ako ng sinagot ako ng isa sa kanila.

"Ano pala pangalan niyo?"

"Violet."

"Veranica." Pamilyar talaga sila at 'yong pangalan nila. Mukhang nakilala ko na sila nang napakahabang panahon.

Umiling agad ako dahil ayokong bumalik sa dati kong buhay kaya mas pinipili kong 'wag nang makaalala pa.

Napatingin ako kay Ashrie nang narinig kong umiyak siya. Kinuha ko na 'yong bote ng gatas at pinainom na siya.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon