Chapter 17.

247 5 0
                                    

Date Published: June 13, 2020

CHAPTER 17.

ASHER'S POV

Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na kami mula sa kwarto at pumunta sa kusina.

Naabutan pa namin si Aisha na naglu-luto pa ng pagkain doon at mukhang talagang pinaghirapan niya ang ni-luto niya.

"Wife?" Napalingon siya sa'kin at napangiti. Pinatay niya muna 'yong apoy galing sa stove at lumapit.

"How are you?" Tanong ko.

"Okay lang pero wala pa rin akong naalala." Sagot niya at napatingin kami kanila dad.

"Mom. Dad. This Valerie Aisha Aldous. She's my wife." Napangiti si Aisha sa'kin at nahalata kong kinilig siya.

"Hello po. Sorry po kanina." Magalang niyang saad. Niyakap siya nila mom at nginitian.

"Gutom na po ba kayo? Iha-hain ko lang po 'yong pagkain." Agad niyang hinain 'yong pagkain at pina-upo ko nila sila dad sa upuan.

~~~~

Kumakain na kami ngayon at masarap magluto si Aisha. Ang sarap talaga niyang magluto kaya hindi na ko nag-aalala sa pagkasunog ng bahay ko.

Saka kaya hinahanap-hanap ko 'tong niluto niya dahil masarap talaga. Bawat araw ay nag i-improve siya.

"Masarap diba? Talagang sinarapan ko 'yan para hanap-hanapin mo." Pagmamayabang niya at natawa ako.

"Oo na. Masarap na siya. Kaya may tiwala ako sa'yo." Sagot ko at hinawakan ang ulo niya.

"Ang cute niyo at halatang close kayong dalawa." Komento ni mom na ikinatawa naming dalawa.

"Ikaw na ang bahala sa anak namin Valerie kasi masaya talaga si Asher oh." Sabi naman ni dad.

"Ako na po ang bahala kay Asher. Magiging mabuting asawa po ako." Nakangiting saad ni Aisha.

Looking at her while she's like feels like I want to protect that smile. I want to keep it.

I guess I should set myself free for her. To make her happy while she's still here with me.

Alam kong ito talaga ang gusto naming dalawa, gusto kong gawin ang lahat para bigyan siya ng mga bagong alaala.

"Ilang baby ang gusto mo?" Nawala ang mga iniisip ko nang nagsalita siya.

"H-huh?" Takang tanong ko. Ngumuso siya at sumimangot na lang bigla. Bakit bumalik na naman dito ang usapan namin?

"Hindi ka na naman nakikinig sa'kin. Tanong ko ilang baby ang gusto mo?" Napatingin ako kanila mom pero parang wala silang naririnig.

"K-kung ilan ang gusto mo, edi 'yon." Bakit ba gano'n ang sinagot ko sa kaniya?

"Sampu?" Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya at umiling. Ayoko ng ganiyan.

"Bakit ayaw mo ng gano'ng karami?" Nakayukong tanong niya at napabuntong hininga ako.

"Masakit manganak at ayokong masaktan ka ng todo." Nahihiyang sagot ko. Natawa naman sila mom dahil sa usapan namin ngayon pero hindi naman sila nangengealam.

"Okay, walo lang na lang at final na 'yon." Hindi na ko sumagot pa dahil hindi naman siya magpapatalo sa'kin.

"Sige na." Hinalikan niya ko sa pisnge at kumain na ulit kami ng tahimik.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon