Date Published: February 15, 2021
CHAPTER 28.
ASHER
Pinaghahandaan ko ng pagkain si Aisha para hindi siya malipasan ng gutom. Puro gulay ang hinanda ko at prutas para maging healthy siya at ang anak namin.
Hinahin ko na 'yong pagkain at agad siyang kumain. Buti na lang at hindi siya nag-reklamo.
Binigyan ko rin siya ng natural na calamnsi juice at galing pa talaga 'yon sa hardin. Tumabi ako sa kaniya at mamaya na lang ako kakain at sisiguraduhin ko na munang okay siya.
"Hubby, say 'ahhh'." Kinain ko 'yong gulay at napangiti siya. Habang nakain siya ay sinusubuan niya ko.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Napatingin kami sa yabag ng paa at nakita namin sila Orion at Vidal na may dalang mga gulay at prutas.
Kumunot ang noo dahil sa dala nila. Ano 'to? One year supply ng mga gulay at prutas?
"One year supply? May napalanunan ba kaming premyo?" Takang tanong ko.
"This is all for her to have the nutrients that she needs." Pinasok niya 'yon sa loob ng ref.
"May binili din kaming mga seeds para itanim niyo. Mga prutas at gulay saka may binigay ding manual si Zarina para lumago at hindi malanta." May nilapag sa lamesa si Orion.
"Salamat." Sabi ko sa kanilang dalawa. Sobra-sobra na 'tong ginawa nila ah.
"Magtatanim ulit ako." Agad kong pinigilan si Aisha at ngumuso siya sa'kin pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako na ang magtatanim. Buntis ka at ayokong may mangyaring hindi dapat sa'yo or sa baby." Sabi ko at wala na siyang nagawa pa.
"Sige na nga. Alagaan ko na lang muna si baby para walang mangyari masama." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Wow. That was fast. Kung dati makikipagsagutan ka pa ah." Komento ni Vidal.
"Gano'n ba talaga ako kakulit noon? Buti na lang at hindi pa nabalik mga alala ko." Komento ni Aisha at natawa si Orion.
"Medyo nag e-enjoy akong panoorin kayong dalawa." Komento ni Orion habang natawa.
"Kuya, tanong ko lang. May asawa ka na ba?" Tumango si Vidal at ngumiti.
"You're nephew misses you, Valerie. But I understand that may mga issues pang dapat ayusin kaya mas best kung siya na lang mismo ang bumisita dito." Sagot niya.
"Talaga kuya? Gusto ko siyang makita at makilala." Nakangiting saad niya at nagpatuloy na sa pagkain.
~ NEXT DAY ~
Kanina pa ko nagtatanim dito at sinusunod ang manual na ginawa ni Zarina.
Malaki naman ang hardin kaya maraming space para sa mga halaman dito na maitanim.
Sa totoo lang ay pinaayos namin ang garden para naman magkaroon ng pathway at hindi namin maapakan ang mga tinanim naming halaman.
Pinalagyan din namin ng fountain sa gitna, mga shades sa ibang parte at mga bench para upuan sa tuwing naglalakad kami dito.
Nag-hire din kami ng dalawang gardener para diligan at alagaan din ang mga halaman.
Ako ang nagtatanim ngayon dahil sa tinuturuan ko sila kung paano magtanim para sa susunod ay sila na ang gagawa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...