Date Published: March 20, 2021
Naglalakad kami papuntang bahay at nagulat ako nang may nakita akong mga bangkay sa sahig.
"Anong nangyari dito?" Takang tanong ko.
"Lenses. Lady Dragon ang kalaban nila ngayon?" Nagtaka ako sa sinabi ni Ark.
"Gino!" May nakita akong apat na lalaki na mukhang nililinis ang mga kalat dito sa lugar.
Konti lang naman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to kaya wala masyadong makakaalam tungkol sa nangyari dito.
"Ark? Anong ginagawa mo dito?"
"Si Valshe?" May tinurong bahay 'yong lalaki sa 'min.
"Dinala ni Rebecca sa bahay niya. May tama si Val at nandoon din 'yong buong pamilya ng Ashworth pati sila Kuja at ang mga kapatid niya." Sagot nito.
"Kuja? Azacura?" Tumango siya. Kilala ko siya at kaklase ko rin siya noon no'ng nag-aaral pa ko.
"Pupuntahan namin si Valshe." Tumango siya at sumunod na kami sa kaniya papasok ng bahay.
"Sana okay lang 'yong baby namin." Bulong ko at huminga ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nakita ko agad si tita Scarlett. Ang dami nila ngayon dito at nandito sila Dominic at Alezer.
Napatingin silang lahat sa 'min at nakita kong ngumiti si tita Scarlett sa 'min.
"Asher?" Tawag niya sa 'kin at lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya at 'yon din ang ginawa niya.
Ngayon ko lang ulit nakita si tita Scarlett dahil sa tuwing napunta ako sa kompanya ay nasa kompanya siya ng mga taga Ashworth.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni tita sa 'kin. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Where's Valerie? Okay lang ba ang asawa ko?" Nag-aalalang tanong ko. Gusto ko nang itanong ang tungkol sa baby namin pero hindi ko magawa.
"Asawa? Pwede mo bang ikwento sa 'min tungkol sa nangyari sa kaniya?" Tumango ako do'n sa babae at umupo ako sa sofa nang pinaupo niya ko.
I think that I can assume that she's Rebecca kasi impossible kung 'yong katabing babae ni Kuja 'yon dahil kamukhang-kamukha siya ni tita Scarlett.
Umupo din sila at huminga ulit ng malalim para maayos ko 'yong pagku-kwento sa kanila.
"Nakilala ko siya almost 4 years ago sa isang creek. Wala siyang malay at sugatan." Paninimula ko.
"Pero bago ang lahat, kaano-ano mo siya, hon?" Kunot noong tanong ng asawa ni tita Scarlett.
Sa unang tingin pa lang ay alam kong anak siya ni tito Bladerim. Kamukhang-kamukha niya eh.
"Tita ko po siya. 'Wag po kayong mag-alala, hindi niya po ako kabit, tito." Nakita kong napasapo ng noo 'yong iba.
Halata kasi sa kaniya na nagse-selos siya kaya 'yon ang sinagot ko. Ayoko lang ng misunderstanding.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...