Chapter 12.

263 6 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 12.

ASHER'S POV

Pagkapasok ko sa bahay ay nakasalubong ko si Aisha sa sala at nanginginig siya sa takot.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Sinubukan ko siyang pakalmahin pero hindi siya kumakalma.

"Wife, what do you feel?" Tanong ko nang pinaharap ko siya sa'kin.

"I'm scared. Baka kunin niya ko palayo sa'yo." Hinalikan ko siya noo at niyakap ulit.

"Hindi ka niya makukuha, okay? Gagawan natin ng paraan 'yan." Sagot ko at pumunta na kami sa kusina.

Pinaupo ko siya sa upuan at nagsimula nang magluto para sa'ming dalawa. Hindi alam ni dad na marunong na kong magluto kaya wala pa rin siyang tiwala sa'kin tungkol dito.

"H-hubby? Wala ka bang pasok ngayon?" Napatigil ako mula sa ginagawa ko at lumingon sa kaniya.

"I asked dad for a day off para makapag-bonding naman tayo. So, we'll be together for a whole day." Nakangiting sagot ko.

"Talaga?! Hindi ka aalis?" Masayang tanong niya at tumango ako. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin.

Niyakap niya ko at hinalikan sa labi. Hindi tulad kagabi ay hindi na ko na-bother sa paghalik niya sa'kin ngayon.

"Umupo ka na at ako na ang bahala sa pagkain natin ngayon." Sabi ko at sinunod naman niya 'yon.

Magpatuloy na ko sa ginagawa ko habang pinapanood niya ko.

~~~~

Tapos na kaming kumain at nandito kami sa garden ng bahay ko. May pader naman na humaharang kaya ayos lang na ilabas ko siya dito.

Kailangan niya din ng sariwang hangin kaya hindi ko siya pwedeng ikulong lagi sa loob nh bahay.

"Ang sarap ng sariwang hangin. Ang lamig!" Tumalon-talon siya sa tuwa.

"Ingat, Aisha. Baka madapa ka." Paalala ko pero hindi siya tumigil. Agad akong lumapit sa kaniya nang matutumba na siya.

Nahawakan ko siya sa bewang niya pero dahil nagkamali ako ng tayo ay napahiga kami sa damuhan.

Nakapatong siya sa'kin at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Napangiti siya ng matamis at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

I think I'm starting to fall for her though. I put my arm around her waist at hinalikan siya sa noo.

If I'm starting to fall for her, I'm going to marry her for real and keep her safe here. Hindi ko hahayaang may mangyaring hindi dapat sa kaniya.

"Hubby? I love you." Nakangiting saad niya at hinalikan niya ko. I smiled then kissed her back.

I'll protect her whatever happens. Kahit na maliit lang ang organisasyon ko ay gagamitin ko 'yon para lang protektahan siya.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon