Chapter 29.

184 2 0
                                    

Date Published: February 20, 2021

CHAPTER 29.

AISHA

~ AFTER FIVE MONTHS ~

Limang buwan na ang nakalipas at nakatitig ako sa salamin dahil sa ang taba ko na sobra.

Naglakad ako palabas mula sa kwarto at naabutan ko si Asher sa sala na may ginagawang report.

Naglakad na ko pababa sa hagdan at tumabi sa kaniya sa sofa. Hinawakan ko siya sa balikat kaya napatingin siya sa'kin.

"Ang taba ko na, hubby." Malungkot kong saad at tinawanan niya lang ako ng mahina.

"Don't say that. Anak natin 'yang nasa tiyan mo, wife." Tumango ako at sumandal sa kaniya.

"Ang laki na kasi kaya feeling ko iiwan mo ko kapag tumaba ako ng sobra."

"Why would I leave you? Para saan pa ba at pinakasalanan kita kung dahil lang din naman pala diyan ay iiwan kita?" Tanong niya.

"Kamusta pala 'yong lalaking nakakilala sa'kin sa ospital?" Tanong ko at nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nahuli ng mga tauhan at pinatahimik nila para hindi ka matunton ng gustong pumatay sa'yo." Seryosong sagot niya.

"Gano'n ba? Buti naman at wala nang sagabal." Komento ko at napatingin sa ginagawa niyang report.

Kinuha ko 'ying papel at binasa ang mga nakasulat doon. Tinignan ko rin 'yong blueprint at tinagilid ang ulo ko.

"Bakit parang ang laki ng space dito? Ano ilalagay niyo dito?" Tanong ko sabay turo sa isang bakanteng space.

"That's what we are thinking. Hindi rin namin alam kung ano ang pwedeng ilagay diyan para mas mapaganda ang hotel." Sagot niya.

Napangiti ako sa kaniya nang may naisip akong idea. Sana naman ay pumayag siya para may maitulong naman ako sa kaniya.

"Bakit hindi kayo maglagay ng garden? Para naman kung ayaw nila mag-sugal or mag-swimming ay doon sila tatambay?" Sugestyon ko.

"Hmm?" Napatingin siya sa blueprint at napa-isip. Kinuha niya 'yung cellphone niya at may tinawagan doon.

"Dad? I think Aisha has a wonderful idea tungkol sa bakanteng parte ng hotel." Sabi niya.

"Sure. I understand dad." Binaba na niya 'yong cellphone niya at tumingin sa'kin.

"Kailangan mong magbihis dahil sasama ka sa'kin papuntang kompanya para sabihin sa kanila ang suhestyon mo." Tumango ako.

Tumayo na ko at naglakad paakyat para magbihis.

~ REONAL COMPANY ~

Nandito kami sa loob ng meeting room at ngayon lang ako nakapasok dito. Maraming tao ang nandito ngayon.

Wala din akong suot na face mask ngayon dahil sa hindi naman daw kailangan 'yon ngayon dahil lahat ng taong nandito ay mapagkakatiwalaan.

"So Aisha, tell them about your suggestion kanina." Tumango ako kay Asher.

"Nakita ko po kasi 'yong blueprint kanina sa bahay at may malaking soace doon na bakante." Paninimula ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang akong kinabahan nang nagsalita na ako.

Bago ko pa maituloy ang gusto kong sabihin ay may pumasok na apat na tao at pinipigilan sila ng guards.

"Bakit tinuloy niyo pa rin?! Sinabi na ngang hindi kami payag sa project na 'yan!" Sigaw ng isang babae.

"Ano ba talaga ang gusto niyo? Naiinis na ko dahil ayaw niyong tumigil." Komento ni dad.

"Gusto namin ang buong kompanya. Ibalik niyo ang dapat amin." Sabi ng isang lalaki.

"Dad gave this to us kaya walang inyo dito. Kaya manahimik na kayo at tigilan niyo na kami." Sagot naman ni dad.

"Hindi kami titigil hangga't hindi namin nababawi ang dapat amin!" Napatingin sa'kin 'yong babae.

"May bagong member pala ang board dito. Hindi kami informed. Dapat sinabihan niyo muna ang totoong may ari ng kompanya bago niyo siya sinama dito."

"I believe that this company belongs to Asher and his family." Malamig kong saad.

"In the first place, if this company is really yours, bakit hindi niyo sila kasuhan for theft? Bakit nag e-eskandalo kayo dito ngayon?"

"Or baka naman gusto niyong makasuhan for trespassing sa isang teritoryo na hindi naman talaga inyo?" Napatahimik siya bigla.

"Nakakasagabal lang kayo sa meeting dito kaya makakaalis na kayo. Isa pang balik at kakasuhan na namin kayo." Banta ko pa at umalis na sila agad.

Napatingin ako sa isang babae at agad na tumaas ang kilay ko nang nakita ko ang suot niya.

"Ano ba ang akala mo dito sa kompanya? Bar? At ganiyan ang suot mo." Tanong ko.

"Bakit kaya hindi ka na lang maghubad kung mang a-akit na lang din diba?" Tanong ko pa.

"Wife, tama na. 'Yong baby natin." Pagpigil ni Asher at tumango ako. Tumigil na ko at hinila na sila paalis ng mga guards.

"Wow. I saw my sister's old self there." Komento ni kuya at sumimangot ako.

"Ayoko nang bumalik sa dati kasi baka ayawan na ko ni Asher." Komento ko.

"Sinabi ko naman sa'yo na tanggap kita kahit na ano ka pa sa nakaraan mo." Sagot naman niya.

"Let's go back to business. Ano ang sa tingin mong pwedeng ilagay sa bakanteng space ng hotel?" Tanong ni ninong Bladerim.

Sabi niya kasi ay ninong na lang daw ang itawag ko sa kaniya kaya 'yon ang tawag ko.

"Garden po. Kasi baka gusto lang po nilang maglakad-lakad at makalanghap na sariwang hangin and ang garden po ang goid place for that." Sagot ko.

"Saka po baka gusto po nila ng magandang scenery and garden po ang magbibigay no'n sa kanila."

"With different kinds of plants or species of flowers. 'Yong tipong dito lang po nila makikita." Dugtong ko.

"To be honest, that's a good idea. Wala naman po tayong garden pa kaya why not we put a garden sa bakanteng lugar." Pagsang-ayon naman ni ninong Bladrine.

"Payag ba kayong lahat do'n?" Tanong ni dad at tumango ang lahat. Napangiti ako dahil sa pumayag sila.

"Okay, let's do that. Contact Zarina para magawa na agad 'to." Sabi ni dad at tinawagan na ni Asher si Zarina.

Excited na kong makita 'to at gusto kong makatulong kahit na magsabi lang kung saan ilalagay ang mga bagay-bagay.

"Gusto ko tuloy makita ang lahat dito." Komento ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Ito-tour kita mamaya kasama ni Asher, Valerie." Sabi ni tita Scarlett at tumango ako.

"Thank you po." Nakangiting sagot at binaba na ni Asher ang cellphone niya.

"Zarina said yes and she'll be going here with Alezer para ma-check ang lugar." Sagot niya.

"Okay. We'll be waiting for them and while waiting, i-tour na muna natin sa buong lugar si Valerie." Sugestyon ni dad at nagsitayuan na kami at lumabas na.

•••• END OF CHAPTER 29.••••

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon