Date Published: March 13, 2021
Nandito ang congressman na tuma-target kay Aisha at galit na galit habang nakatingin sa bintana. Hindi kasi siya tinitigilan ng mga Aldous kaya hindi siya makakilos ng maayos.
Hindi naman niya sila magalaw dahil sa alam niyang makakalaban niya ang mga Arcana na may maraming kakampi within the goverment kaya hindi niya pwedeng bagain ang mga ito.
"Hindi ako makakapayag na mapatay niyo ko. Malalaman na muna ng lahat ang tungkol sa kahinaan ng mga Aldous bago ako mamatay." Bulong nito at uminom ng alak.
~ NEXT DAY ~
AISHA
Nandito ako ngayon sa sala at inaayos sa may vase 'yong bulaklak na binigay sa'kin ni Asher.
Dapat talaga ay kahapon niya pa sa'kin ibibigay kaso medyo na-enjoy kasi ako sa pakikipag-usap kanila Zarina kaya hindi na niya muna binigay sa'kin.
Nilagay ko na sa taas ng maliit na cabinet ang flower vase na nasa tabi ng sofa nang natapos ko na 'tong ayusin.
Sumunod naman do'n ay kinuha ko ang isang regalo na walang pangalan kung saan galing.
Binuksan ko 'yon at nakita kong isa 'yong kwintas na may design na Anemone sa gitna.
Napangiti ako nang nakita ko 'yon. Napatingin ako kay Asher nang dumaan siya sa harap ko.
"Hubby?" Lumingon siya sa 'kin at lumapit. Tumayo ako at binigay 'yong kwintas sa kaniya saka tumalikod.
"Wait a minute." Rinig kong saad niya at sinuot na niya sa leeg ko ang kwintas.
Napalingon ako sa kaniya nang naisuot ko na 'yon. Tinignan niya ko ng matagal at napangiti siya.
"Beautiful. Bagay sa 'yo, wife." Hinalikan niya ko sa noo. Inayos ko 'yong necktie niya kasi nakatabingi ito.
"Aalis ka na?" Tumango siya. Hinalikan ko siya sa labi at naglakad na siya paalis.
"Ingat ka, hubby!" Kumaway siya sa'kin at binuksan ko na 'yong iba pang mga regalo.
~ AFTER 5 YEARS ~
Nahiga ako sa tela na nilapag ko sa damuhan habang pinapakiramdaman ang sariwang hangin.
Habang nakahiga ay napamulat ako ng mga mata nang biglang may dumagan sa tiyan ko at nakita ko si Viktor.
"Baby..." Tawag ko sa kaniya at tumawa siya. Dumating naman ang mga kapatid niya at lumapit sa pwesto namin.
"Let's play hide and seek po." Pag-aya ni Valer kaya tumayo na ko at niligpit 'yong tela.
"Tara, laro tayo." Sagot ko at agad kaming tumakbo palayo kay Valer para magtago mula sa kaniya.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nagtatago ako sa likod ng puno ng mangga dahil sa nakikipaglaro ako ng tagu-taguan sa mga bata.
"Can't find mommy." Rinig kong saad ni Ashrie.
"Let's find mommy!" - Valer.
"Mommy?" Nagsimula nang maglakad-lakad 'yong mga bata kaya umikot ako sa puno ng dahan-dahan.
Nang lumagpas na mula sa pwesto ko 'yong mga bata ay nagulat ako nang may yumakap mula sa likod ko.
"Ahh!" Napalingon ako at nakita ko si Asher. Pinalo ko siya sa braso kaya naman tumakbo agad sa pwesto namin ang mga bata.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomantizmAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...
