Chapter 39 | Aisha.

148 2 0
                                    

Date Published:

Nagising ako nang bandang 2 PM at bumangon na mula sa kama. Nakita kong mahimbing pang natutulog si Asher kaya napangiti ako.

Nagbihis na ko at hinalikan siya sa noo saka lumabas na mula sa kwarto.

Naglakad ako papuntang basketball court at naabutan ko 'yong mga bata na naglalaro doon.

"Nakakain na ba kayo?" Napatingin silang lahat sa 'kin at tumakbo palapit.

"Yes, mommy." Sagot ni Viktor kaya napangiti ako ng husto.

"Sorry kung napag-alala ko kay, huh?" Umiling silang anim. Pumantay naman ako sa kanila.

"It's fine, mommy. We understand it because daddy explained it to us." Sagot ni Valer.

"Laro na ulit kayo." Kinuha na ni Vanlierre ang bola at naglaro na silang lahat.

Uupo na sana ako sa bench nang may naalala ako bigla kaya naman lumapit ako sa isang bantay na nasa gate.

"Lalabas lang ako saglit kasi may naalala ako. 'Yong bulaklak na tinanim ko sa labas, titignan ko lang." Tumango siya at sumama sa 'kin.

Pumunta ako sa gilid ng gate at tinignan 'yong halaman ng Santan doon at napangiti ako dahil sa lumago na ang bulaklak nito.

"Buti naman at lumago siya." Nakangiting saad ko at babalik na sana ako sa loob nang napatingin ako sa isang sasakyan.

"Sino 'yon at bakit nakatingin dito?" Napatingin 'yong mga bamtay at lalapitan na sana nila nang agad itong umandar ng mabilis.

Agad akong pumasok sa loob at kinabahan. Paano kung 'yon 'yong tuma-target sa 'kin? Kailangang malaman agad 'to ni Asher.

THIRD PERSON

Nandito na sa opisina ng congressman ang mga taong nasa loob ng sasakyan kanina na nasa tapat ng bahay nila Asher.

Sinabi na nila ang tungkol sa nakita nila at agad na nakaramdam ng galit ang lalaking nasa harap nila.

"Buhay pa siya at may prumo-protekta sa kaniya?" Galit nitong saad.

"Alamin lahat ng tungkol sa nagmamay-ari ng bahay at papabagsakin natin siya saka ko kukunin si Valerie sa kaniya." Utos nito at agad siyang sinunod ng mga tauhan.

"Sisiguraduhin kong magiging akin ka sa susunod." Mariing saad nito at uminon ng wine.

AISHA

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay naabutan kong natutulog pa rin si Asher sa kama.

"Hubby!" Inalog-alog ko siya ng malakas kaya nagising siya agad.

"May nakakita sa 'kin dahil sa lumabas ako ng bahay at mukhang 'yon 'yong tuma-target sa 'kin." Paninimula ko.

"What? Bakit ka ba kasi lumabas ng mag-isa mo?"

"Tinignan ko lang naman 'yong halaman ng Santan kung lumago ba o nalanta tapos ayon."

"Shit. Babalikan ka nila dito." Sabi niya habang nagbibihis.

"I'm sorry, hubby. Hindi ko sinasadiya." Mahinang saad ko at hinimas niya ang ulo ko.

"Don't worry, it's fine. Buti sinabi mo agad." Tumayo ako mula sa kama at sumunod sa kaniya palabas.

Naabutan namin sila Violet at Veranica na nag-uusap sa sala ng seryoso. Lumapit kami sa kanila at napalingon sila sa'min.

"Narinig namin lahat mula sa mga bantay ang nangyari." Sabi ni Veranica.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon