Date Published: May 30, 2020
CHAPTER 3.
ASHER'S POV
~ FRIDAY, 7 AM ~
"Asher, about the meeting later..." Napatingin ako kay dad nang nagsalita siya habang nainom ng kape sa tabi ko.
"You'll be meeting with the Ashworth. Nandoon din ang tita mo kaya paki-kamusta na lang ako." Tumango ako.
"Sure, dad. I'll do that po." Nakangiting sagot ko at ininom na rin 'yong kape na hinanda ni mom sa'kin.
"Ingat sa pagbyahe. Marami pa namang aksidente ngayon dahil sa malamig ang panahon." Paalala naman ni mom.
"Marami pa namang mga nagpapanggap na nangangailangan ng tulong para lang makapag-nakaw." Dugtong niya pa.
"Yes, mom. Don't worry po. And hindi po pala ako makaka-uwi mamayang gabi dito kaya uuwi na lang po ako sa bahay ko." Paalam ko rin.
"Sige, anak. Basta ingat." Tumango ulit ako at tumayo na mula sa kinauupuan ko.
Hinalikan ko na silang dalawa sa pisnge at aalis na sana nang nakasalubong ko ang bunso kong babae.
"Kuya, sabay ako sa'yo." Inakbayan ko siya at sumunod na siya sa'kin papunta sa sasakyan ko.
"Ricklyn, be aware sa mga umaaligid na lalaki sa'yo ah. Ayokong mapahamak ka." Tumango siya sa'kin.
"Of course kuya. Don't worry. Umiiwas ako sa kanila saka wala naman akong type sa kanila." Natawa ako sa sinagot niya.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan at nang nakasakay na siya at sinara ko na 'yon at sumakay na rin sa loob.
Pina-andar ko na 'yong sasakyan at hinatid na siya sa eskwelahan niya at pumunta na sa kompanya.
~ REONAL COMPANY ~
Pagkapasok ko sa loob ng meeting room ay nakita ko sila tita Scarlett, tito Bladerim, tita Arlene at ang ibang taga Reonal.
Umupo na ko sa upuan ko nang napatingin si tita Scarlett sa'kin at ngumiti ng matamis.
"Kamusta Asher? Kamusta sila kuya?" Nakangiting tanong niya.
"I'm fine, tita. Okay lang po sila dad at kinakamusta ka rin niya po pala." Sagot ko.
"Nami-miss ko na si kuya kaso hindi ko kayang bumisita dahil sa busy ako sa trabaho." Napabuntong hininga siya.
"Naiintindihan po nila dad 'yon, tita. 'Wag ka pong mag-alala." Tumango siya at hinawakan ako sa pisnge.
"Okay, let's start the meeting now, shall we?" Tumahimik na ang lahat nang tumayo na si tito Bladerim sa harap at nagsimula na ang meeting.
~~~~
Kanina pa nagbabangayan ang lahat dahil sa plano para sa bagong project ng kompanya.
Gusto kasi namin nila dad, tita Scarlett at ng mga Ashworth na magpatayo ng hotel na may casino at resort kaso ayaw naman ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...