Date Published: June 6, 2020
CHAPTER 8.
AISHA'S POV
Nagising ako nang nakita ko aga si Asher sa harap ko. Napangiti ako ng sobra dahil siya agad ang nakita ko.
Napatingin ako sa braso niya at nakapatong 'yon sa bewang ko. Hinawakan ko siya sa pisnge niya at tinitigan siya ng sobra.
Ang bait niya talaga at ang sweet din niya. Mas nilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya at mas hinigpitan ang pagkakayakap.
"'Wag kang masyadong magulo." Inaantok niyang saad kaya hindi na ko gumalaw pa.
Natulog na lang ulit siya at pinatong ang baba niya sa ulo ko. Natulog na lang ulit ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya.
~~~~
Nagising ulit ako nang may naramdaman na kong init na tumatama sa balat ko galing sa silat ng araw.
Napatingin ako sa katabi ko at may nakita akong pigura ng lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko makita ang mukha niya.
Pero alam ko ang pigura ng katawan ni Asher kaya alam kong hindi si Asher ang nasa harapan ko ngayon.
"S-sino ka?" Mahinang tanong ko at nakaramdam ako ng takot nang para bang kukunin niya ko. Agad akong nagsisisigaw at tinulak siya palayo mula sa'kin.
ASHER'S POV
Nagising ako nang narinig kong sumisigaw si Aisha mula sa tabi ko at tinutulak ako palayo mula sa kaniya.
"Aisha, kalma. Nananaginip ka lang." Pagpapakalma ko sa kaniya. Nang napatingin siya sa'kin ay agad niya kong niyakap ng mahigpit.
"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong. Niyakap ko rin siya at hinimas ang buhok niya.
"M-may gustong kumuha sa'kin, Asher. Gusto niya kong kunin." Natatakot niyang sagot.
Hinahabol niya din ang hininga niya at pinakalma ko siya. Marahan kong hinimas ang likod niya at unti-unti na siyang kumakalma.
"Good girl. Don't worry. I'll protect you at hindi ko hahayaan na may manakit sa'yo." Paniniguro ko.
Pinaharap ko siya sa'kin at ngumiti. Hinalikan ko siya sa noo niya at tumingin ng direkta sa mga mata niya.
"Okay ka na?" Tumango siya. Tumayo na ko mula sa kama at inalalayan siyang tumayo.
"Kamusta paa mo?" Pinakiramdaman niya na muna ang paa niya at saka ngumiti.
"Ayos na siya, Asher. Magdadahan-dahan na lang ako sa paglalakad." Sagot niya kaya naman napatawa ako.
Nagsimula na kaming maglakad at bumaba papuntang kusina at pina-upo siya sa upuan na nasa harap ng hapag-kainan.
Nagsimula na kong magluto para sa pang-umagahan naming dalawa.
~~~~
Kumakain na kami at iniisip ko pa rin 'yong tungkol sa panahinip ni Aisha. Possible kayang may kinalaman ang tuma-target sa kaniya dito?
Sino kaya 'yong tuma-target sa kaniya? Pero hindi din kilala ni tito Bladerim ang tungkol sa kanila eh.
May ibang tao kaya na nakakakilala tungkol sa tuma-target sa kaniya na pwede kong maka-usap para mapagtanungan?
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...