Date Published: March 6, 2021
CHAPTER 35.
AISHA
Nagising ako nang naramdaman kong may humihimas sa buhok ko at nakita ko si Asher na nakangiti ng matamis.
"'Yong mga anak natin? Narinig ko silang umiyak kanina." Tanong ko agad. Inalalayan niya kong umupo sa kama at sumandal sa headboard.
Nakita ko 'yong mga anak namin at nagulat ako nang nakita kong naging anim na sila ngayon.
"Ang dami naman nila." Komento ko at kinarga si Valer na naiyak na naman. Pinatahan ko siya para tumigil sa pag-iyak.
"Nilgyan mo sila ng nametag, hubby? Bakit?" Tanong ko pa nang may nakita akong nametag mula sa apat.
"Hindi ko kasi maalala kung sino sa kanila ang binigyan ko ng pangalan kaya nilagyan ko na ng nametag." Paliwanag niya.
"Mas maganda kung lagyan natin ng pangalan ang damit nila para hindi na tayo magsayang ng papel at tinta ng ballpen." Suhestyon ko.
"Sige. Tahiin ko na lang mamaya." Tumango ako at napangiti. Sumandal ako sa kaniya at inakbayan niya ko.
"Mag-hire na kaya tayo ng babysitter para sa kanila?"
"Yeah. Mag-hire tayo ng mapagkakatiwalaan saka mabait." Tumango ako at napangiti ulit.
~ NEXT DAY ~
Nandito kami ngayon sa sala ng bahay at hinihintay 'yong sinasabi ni kuya Orion na mag-aalaga sa mga bata.
"Buti na lang at mabait 'yong mga kaibigan mo, hubby. Lagi nila tayong tinutulungan." Komento ko.
"Yeah. Masaya din akong tinutulungan nila tayo lagi." Sagot naman niya at napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon.
"Sir, sila po 'yong sinasabi ni Mr. Arcana na mag-aalaga sa mga bata." Sabi ni Selle at may nakita akong pamilyar na mga babae.
Parang nakita ko na sila dati pero hindi ko maalala kung saan ko sila nakita. Napahawak ako sa noo nang sumakit 'yon.
"Wife? Wife!" Parang lumalayo na 'yong boses ni Asher at nandidilim na din ang paningin ko hanggang tuluyan na kong nawalan ng malay.
ASHER
"Aisha? Aisha?" Inalog-alog ko siya pero hindi na siya nakilos. Agad ko siyang binuhat at inakyat sa kwarto.
Inihiga ko siya sa kama at kinumutan. Tinawagan ko rin si kuya para tignan siya at para malaman ko rin kung ano ang nangyari.
"Kuya, punta ka sa bahay. Biglang nahimatay si Aisha dito." Sabi ko.
"Sige. Hintayin mo ko." Sagot niya at binabaan na niya ako ng telepono. Napatingin ako sa dalawang bagong dating at naging alerto.
"Parte din ba kayo ng org ni Mr. Aldous?" Tanong ko.
"Pinsan niya po kami, kuya. Ako si Veranica at siya po si Violet." Pagpapakilala nila.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomansaAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...