Chapter 45 | Asher.

201 8 0
                                    

Date Published: March 27, 2021

"Mr. Reonal, I can call you Asher, right?" Tumango ako kay Mr. Aldous sa tinanong niya.

"Call me 'dad' dahil tanggap kita para sa anak ko." Tumango ako sa kaniya ulit.

"Okay po dad. Thank you." Mahinang sagot ko dahil iniisip ko pa rin 'yung tungkol sa sinabi ni Zoren kanina.

"Something wrong, Asher?" Umiling ako at huminga ng malalim.

"About what Zoren said po? About Aisha's greatest dark secret?" Tanong ko.

"About that?" Huminga siya ng malalim at may inabot na itim na kahon sa 'kin.

Kinuha ko 'yon at binuksan. May nakita akong mga litrato at agad na nanlaki ang mga mata ko.

Litrato ng mga bangkay? Mga pinatay ba ni Aisha 'to noon? Nangongolekta ba siya?

Tinignan ko ulit 'yong isang papel na nakatupi at kinabahan ako nang nakita kong next target niya kami ni dad.

"Wait. Anong atraso namin sa kaniya?" Takang tanong ko at umiling sila.

"Hubby, juice." Napalunok ako sa sobrang kaba. Wala bang lason 'to?

"Bakit parang ang weird mo, hubby?" Takang tanong niya at kinuha niya mula sa 'kin 'yong papel.

"Hmm?" Binasa niya 'yong nasa papel at ngumiti ng mala-demonyo. Nasaan ba ang mga anak namin kung kailan kailangan ko sila?

"Hubby, inumin mo na 'yong juice. Ako gumawa niyan." Lumayo ako ng onti mula sa kaniya.

"Wife, anong plano mo ngayon?" Kabadong tanong ko at gumapang siya papunta sa 'kin.

"Hubby, inumin mo na." Napahiga na ko sa sofa at nakapatong na siya sa 'kin.

"Aisha, kalma. 'Yong baby natin. Tandaan mong buntis ka pa." Ngumiti lang siya sa 'kin.

"Ano ba meron sa juice ko at ayaw mong inumin? Dahil ba sa nabasa mo 'to?" Tumango ako.

"Hubby naman. Hindi naman kita papatayin eh." Ngumuso siya sa 'kin at umupo sa bandang tiyan ko.

"Naalala ko na karamihan ng alaala ko." Komento niya at napatingin ako sa pwesto nila Vidal at wala na sila doon.

Ang bilis naman nilang mawala. Hindi ko sila napansing umalis, huh?

"Isa ka sa target ko kasi isa ka sa mga kaibigan ng mga Ashworth." Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin.

"May event ang mga Ashworth wherein invited ka din. Nakita kita at hindi na kita nakalimutan pa."

"Diba may Zoren ka no'n?" Naalala ko 'yong event na 'yon pero hindi ko siya nakita.

"Hindi naman kami eh saka, crush ko lang siya." Sagot niya sa 'kin.

"Target kita kasi gusto kitang makilala. Kaya nagustuhan agad kita pagkagising ko ay dahil do'n." Huminga ako ng malalim.

"Pwede bang umalis ka diyan, Aisha? Hindi ako komportable sa pwesto ko." Umiling siya.

"Ganito lang tayo, hubby. O baka gusto mo doon tayo sa kwarto ko?" Tumango ako.

"Sige. Doon tayo sa kwarto mo." Ngumiti siya at umalis na mula sa pagkakapatong niya sa 'kin.

Sumunod ako sa kaniya at pumasok sa loob ng kwarto niya. Nagulat ako nang nakita kong puro posas ang loob nito.

May mga posas, bakal, at kung ano-ano pa. Napatingin ako kay Aisha at may hawak na siyang posas saka bakal.

"Hubby, tara na."

"Shit! Aisha, saglit. Hindi ako handa sa ganito!" Nakaramdaman ako ng hilo nang hinampas niya ko sa ulo.

"Sleep well, hubby." Nawalan na ko ng malay at napahiga na.

AISHA

Nang humiga na sa kama ko si Asher ay binitiwan ko na 'yong hawak kong bakal.

Inayos ko ang pagkakahiga at pinosasan siya. Naalala ko na karamihan ng mga alaala ko.

Ipapakita ko sa kaniya ang dating ako at titignan ko kung tatanggapin niya pa rin ako dahil kung hindi ay ikukulong ko na siya dito sa kwarto ko.

Pumatong ako ulit sa kaniya at tinitigan siya. Naalala ko na naman 'yong unang beses na nakita ko siya.

~ FIVE YEARS AGO ~

Sinama ako ni daddy ngayon sa isang event dahil sa kailangan daw ako ngayon dito.

Kumuha ako ng isang baso ng wine at uminom. Tumingin ako sa paligid dahil baka may kalaban.

Habang natingin sa paligid ay may nakita akong isang gwapong lalaki at kausap niya si ninong Bladrine.

Napatitig ako ng sobra sa kaniya dahil sa ang lakas ng dating niya. Sino kaya siya at saang pamilya galing?

Dahil sa nahihiya akong lumapit sa kaniya ay tinitigan ko na lang siya mula sa malayo buong magdamag.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Hindi ko inaasahan na magiging asawa ko siya ngayon. Napaupo ako sa tiyan niya at hinawakan ang tiyan ko.

"Baby, hindi natin papakawalan si daddy, huh?" Hinimas-himas ko siya at tumabi na kay Asher.

THIRD PERSON

Nandito sila Vaughn at Vidal sa kusina at kasama si Aisharinne na nagtataka sa kanilang dalawa.

"Ano'ng meron at parang kinakabahan kayo?" Takang tanong ni Aisharinne sa dalawa.

"'Yong anak mo, mukhang possess na naman." Komento ni Vaughn at uminom ng juice.

"Dad's right, mom. She looks possess again." Pagsang-ayon ni Vidal.

"Ano ba pinagsasabi niyo? Kung ako siya ay gano'n din ang gagawin ko sa daddy niyo eh."

"Ikukulong ko din siya kapag gusto niya kong iwan." Napalunok si Vaughn sa sinagot ng asawa.

"Then what are you going to do to me?"

"Poposasan kita at aaraw-arawin natin, Vaughn. 'Wag mo kong inisin at baka gawin ko sa 'yo ulit 'yon." Hinampas ni Aisharinne ang hawak niyang kutsilyo sa chopping board.

"Woah. Okay, I'll keep quiet." Tumahimik na si Vaughn at tumakbo palapit sa kanila si Vash.

"Daddy, lolo, uncle Ark said that there's an enemy outside the house. Are you playing a game?" Agad tumayo sila Vaughn at lumabas ng bahay.

"Baby, let's play." Tumango si Vash kay Aisharinne.

"Let's play hide and seek. 'Yong mga enemies na 'yon ang taya." Tumango si Vash at sumunod na siya kay Aisharinne saka sinama ang ibang bata.

ASHER

Nagising ako nang may narinig akong mga putok ng baril. Aalis na sana ako nang nakita kong nakaposas ako.

"Aisha, pakawalan mo ko dito." Sabi ko at umiling siya sa 'kin. Ano ba dapat ang gagawin ko sa kaniya?

"Please wife, I'm not going anywhere. Dito lang ako titignan ko lang kung ano ang nangyayari sa labas." Sabi ko.

"No. Dito ka lang sa 'kin, hubby. Hayaan mo na sila doon saka iiwan mo talaga kami ni baby dito?" Napabuntong hininga ako.

"Fine, dito lang ako pero pakawalan mo ko please. Hindi ako aalis." Umiling ulit siya at nawalan na ko ng pag-asa.

"I still love you, Aisha. Kahit na maalala mo ang lahat at bumalik ka sa dati. Hindi kita iiwan at mahal pa rin kita." Sabi ko.

"I know kaya nga dito na lang tayo eh." Tumawa siya ng mahina at huminga na lang ng malalim saka hinayaan siya.

'Bakit ba ganito ang asawa ko? Psycho at parang possessed?'

•••• END OF CHAPTER 45. ••••

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon