Chapter 38 | Asher.

168 1 0
                                    

Date Published: March 13, 2021

Nandito kami nila Aisha sa mall at pinasuot ko ulit sa kaniya 'yong face mask para walang makakilala sa kaniya.

Magkahawak kamay kaming dalawa habang nag i-ikot. Binabantayan din namin ang mga bata dahil baka mamaya ay saan sila magsipuntahan nang hindi namin alam.

"Daddy, I want ball." Sabi ni Vanlierre nang may nakita siyang bola. Lumapit kami doon at kumuha ng isa.

"Isa para sa lahat ah? 'Wag mag-aaway at maghiraman kayo ah." Tumango silang lahat kaya naman binayaran ko na 'yon.

Pinahawak ko kay Vanlierre 'yong paper bag at agad ko siyang pinigilan nang ilalabas niya 'yon.

"Mamaya mo na ilabas kasi baka maiwala mo eh." Tumango siya at niyakap na niya lang 'yong paper bag.

Naglakad na ulit kami para maghanap ng mga kakailanganin namin sa bahay.

AISHA

Tumitingin ako ngayon ng mga plato dahil nangaingailangan kami ngayon. Mga luma na kasi 'yon kaya kailangan nang palitan ng bago.

Lumayo muna ako mula sa Asher para maghanap ng magandang plato. Gusto ko 'yung may mga design na bulaklak.

Habang naghahanap ay napatingin ako sa bilihan ng mga stuff toys at may nakita akong isang pamilyar na babae.

Napahawak agad ako sa noo ko nang sumakit 'yon at may nakita akong mga imahe.

Napaluhod ako sa sahig at may narinig na kong ingay sa paligid.

"Aisha, ayos ka lang?" Rinig kong tanong ni Asher nang nakalapit na siya sa'kin.

"Ang sakit ng ulo ko." Mahinang saad ko at binuhat na niya ako. Dinala na niya ako sa kung saan.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakasandal ako kay Asher nang may naalala akong pangalan ng babae.

"Ate Rebecca..." Mahinang tawag ko.

"Sino 'yon?" Takang tanong ni Asher at nawalan na ko ng malay.

ASHER

Napatingin ako kanila Violet dahil baka kilala nila kung sino 'yong tinawag ni Aisha.

"Si ate Becca?" Nagkatinginan silang dalawa at medyo nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila.

"Malapit si ate Val kay ate Becca." Sagot ni Violet at napabuntong hininga.

"Lagi silang magkasama dati at nagtutulungan." Sagot naman ni Veranica.

"Ano kaya nangyari at naalala niya siya?" Takang tnaong ko sa sarili ko.

Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan si Vidal kahit na alam kong nasa trabaho pa siya ay emergency naman 'to.

"May nangyari sa kapatid mo." Paninimula ko agad sa kaniya nang sinagot niya 'yong tawag ko.

"May naalala siyang pangalan."

"Which name?"

"Rebecca."

"Rebecca? As in Rebecca Danica Francine Amorous Dela Fuentes?" Ang haba naman ng pangalan niya.

"Hindi ko alam 'yong buong pangalan basta Rebecca." Sagot ko.

"I see. What happened?"

"Hindi ko rin alam. Naghahanap lang kami ng mga gamit para sa bahay nang bigla na lang siya napaluhod sa sahig at sumakit ang ulo niya."

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon