Date Published: June 8, 2020
CHAPTER 16.
AISHA'S POV
~ NEXT DAY ~
"Ingat ka, hubby." Sabi ko at hinalikan si Asher sa pisnge. Naglakad na siya paalis at hawak ko 'yong bouquet ng bulaklak.
Agad akong pumunta sa garden para itanim 'yon doon. Nagpabili din ako ng mga halaman kanila Lenette para marami akong matanim dito.
Wala kasing masyadong halaman dito at puro damo lang kaya gusto kong magtanim.
Sabi kasi sa internet ay mas maraming halaman, mas sariwa ang hangin ang magkakaroon.
Kaya simula nang nalaman ko 'yon ay medyo natuwa ako at napag-desisyonan kong magtanim.
No'ng una ay ayaw nila Asher at kuya Vidal pero napilit ko sila kaya pumayag na rin sila.
"Miss, ito na po ang ni-request niyong Aster." Inabot sa'kin ni Selle ang isang bulaklak na may kulay violet.
Kinuha ko 'yon at sana ay lumago sila at hindi malanta. May mga kanya-kanyang klima at lugar kasi sila kaya gagawan ko ng paraan para hindi sila malanta.
Meron kasing boutique dito na may binebentang bulaklak kahit na galing pa sa ibang bansa. Kaya doon ako nagpa-bili kanila Selle.
~ SATURDAY ~
Nandito ako sa loob ng opisina ko at napangiti nang habang nakatingin sa singsing na hawak ko.
If I want to protect her, I have to make this marriage official at hindi minadali.
I'll change her name just to make sure that she's really safe at hindi siya matutunton ng mga tuma-target sa kaniya.
Kailangan ko nang humanap ng available date para sa kasal na deserve niyang ma-experience.
Pero bago ko siya pakasalan, kailangan ko na muna siyang ipakilala sa magulang ko para hindi sila mag-hysterical.
Napalingon ako sa nagbukas ng pintuan at nakita ko si Vidal na seryosong nakatingin sa'kin.
"I told mom and dad about you and Valerie." Paninimula niya. Umupo siya sa sofa kaya lumapit ako sa pwesto niya.
"They don't trust you but because I do, they'll try on trusting you too." Dugtong niya.
"Just take care of her and take her away from here. Siguraduhin mong ligtas siya." Tumango ako.
"Sinabihan mo rin ba sila tungkol sa plano ko?" Tumango siya.
"Dad doesn't want you to be married but because Valerie loves you, pumayag din sila."
"But, if hurt her, they'll take her away from you." Umupo ako sa sa sofa at tumango.
"Naiintindihan ko. Ako na ang bahala sa kaniya." Paniniguro ko at tinawagan na sila dad para papuntahin sa bahay.
~~
Nandito ako ulit sa boutique at bumili ng bulaklak para dagdagan ang koleksyon ni Aisha.
"Mukhang napapadalas ka dito, Asher. Mahilig ba asawa mo sa bulaklak?" Tanong ni Zarina.
"Mahilig siya sa bulaklak at nag-aalaga din siya dahil ang laki daw ng hardin namin tapos wala naman daw halaman." Sagot ko.
"Bakit nga naman kasi hindi mo lagyan ng halaman?" Natawa ako at saktong dumating si Alezer.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomantizmAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...