Chapter 2.

674 6 0
                                    

Date Published: May 25, 2020

CHAPTER 2.

AISHA'S POV

Pagkagising ko kinabukasan ay may nakita akong mga papeles sa bedside table kaya napa-upo ako agad sa kama.

Binasa ko lahat ng mga nakasulat doon at napangiti. Siya si Asher Reonal - pangalawa sa anak ni Skyline Reonal.

Tito niya din pala si ninong Beryl dahil sa asawa nito ng tita niya na kapatid ng tatay niya. Maaga siyang nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa sobrang talino niya.

Parang kami lang pala 'to eh. Masyadong maaga nakapag-graduate dahil sa masyadong advanced kami.

Isa siyang businessman at doktor pero hindi naman niya ginagamit ang lisensya niya dahil sa mas pryoridad niya ang kompanya ng tatay niya.

Sino kaya pwedeng tanungin para makilala siya? Sino kaya pwedeng kausapin para makita ulit siya?

Ito 'yung unang beses na naging interesado ako sa isang lalaki at dapat maging masaya si Asher 'pag nalaman niya 'yon.

Bumangon na ko mula sa kama at naligo na para makapunta sa opisina dahil sa may trabaho pa akong dapat gawin.

~~~~

Pagkarating ko sa opisina ay agad kong nakita si dad na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kaniya at tumayo siya.

"Dad, bakit po kayo nandito?" Takang tanong ko sa kaniya at niyakap siya. Hinalikan niya ko sa noo.

"Gusto lang naman kitang bisitahin para makasigurong hindi ka nagpapagod ng husto." Sabi niya sa'kin.

"Dad, okay lang po ako kaya 'wag na po kayong mag-alala." Paniniguro ko at tumango siya.

"Sige. Tawagan mo ko 'pag may problema o gusto mo ng tulong." Tumango ulit ako at naglakad na siya palabas mula sa opisina ko.

~~~~

Habang nagbabasa ng papeles ay napatingin ako sa pintuan at nakita ko 'yung congressman na ayokong makita.

"Umalis ka na dito." Saad ko agad at pinindot ang emergency button na nasa ilalim ng lamesa ko.

"Sandali lang. Meron akong regalo na alam kong magugustuhan mo." Sabi niya sa'kin at agad akong nandiri sa pinakita niya.

"Ahhh! Palayasin niyo na siya dito, ngayon din!" Sigaw ko at binato sa kaniya ang mga libro ko. May pinakita siyang condom sa'kin na gamit na.

Dumating na ang mga bantay pati rin si kuya Vidal. Agad siyang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako.

"N-nakakadiri siya, kuya." Bulong ko at tinignan niya 'yung condom na nasa sahig. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Clean this mess." Sabi ni kuya at sinunod naman ng mga guard. "Did he hurt you?" Umiling ako sa kaniya.

"Good. Because if he did, I'll mom and dad."

"Kuya naman. Ayokong mamoblema sila dahil sa'kin.

"You need help from them. You need protection from them." Seryosong saad niya at umiling ako.

"Kuya, please. Ayokong mas lalong dumami ang problema nila dad. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko." Sagot ko.

"Fine. If that's what you want then, do everything that you want to do." Sagot niya at bumuntong hininga na lang.

~~~~

Gabi na at pauwi na ko nang biglang may humintong van mula sa harap ng kompanya kaya at agad akong umilag nang biglang may nagpaputok ng baril.

Napahawak ako sa kanang balikat ko nang natamaan ako ng bala. Napasandal ako sa malaking vase na pinagtataguan ko.

"Shit. Kaninong tauhan 'to?" Tanong ko naman. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong daanan sa kanan ko.

Pwede akong tumakbo papunta doon at magtago sa likod na parte ng kompanya. Walang bantay ngayon dito dahil sa nagsi-uwian na silang lahat.

Agad akong tumakbo paalis at natamaan na naman ako ng bala sa kaliwang balikat ko at nang liliko na ako ay nagulat ako nang may nakita akong lalaki sinaksak ako sa tiyan.

"S-sino k-kayo?" Tinulak ko siya at kinuha ang kutsilyo. Sinaksak ko 'yung lalaking sumaksak sa'kin at tumakbo na ko hangga't kaya ko pang iligtas ang sarili ko.

~ AFTER ONE WEEK (FRIDAY, 9 PM) ~

Nandito ako sa isang tagong maliit na bahay hindi makalabas o maka-uwi. Dito agad akong dumiretsyo nang nakatakas ako mula sa pag-ambush nila.

Nagpapa-deliver na lang ako ng pagkain para hindi magutom at para walang makakita sa'kin mula sa mga umatake.

Nagamot ko na ang mga sugat ko pero hindi pa rin sapat 'to dahil nanghihina pa rin ako hanggang ngayon.

Sino kaya sila? Tauhan kaya ng congressman 'yon? Kung siya nga, naisahan niya ako ngayon.

"Ahh!" Napasigaw ako nang may bumaril na naman sa'kin mula sa labas ng bahay. Kinuha ko 'yung baril ko at kinasa 'yon.

Sumilip ako sa labas at nakita kong marami sila ngayon doon. Bumaril na din ako sa kanila para makatakas.

Kumuha ako ng granada at binato sa kanila 'yon. Pagkapasabog ay tumakbo na ko palabas para makatakas.

Nang nakarating na ko sa tabi ng creek ay tatawid na sana ako nang may humawak sa braso ko at sinaksak ako ng paulit-ulit sa iba't ibang parte ng katawan.

Napahiga na ko sa sahig at hinabol ang hininga ko. Tumingin ako sa pumatay sa'kin at nakita ko 'yung congressman.

Binigay ng isa niyang tauhan ang baril at pinagbabaril niya ko sa katawan at pagkatapos no'n ay iniwan na nila ako.

Hindi ako makakapayag na hanggang dito na lang ako. Kailangan kong mabuhay para makaganti.

ASHER'S POV

~THURSDAY ~

Nakauwi na ko sa bahay at agad kong nakita sila dad sa sala habang may sinusulat na kung ano.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at nag-mano. Umupo ako sa sofa at humiga doon para makapag-pahinga muna.

"Mukhang pagod ka ah? Kailangan mo ng tulong?" Tanong ni mom at umiling ako. Lumapit siya sa pwesto ko.

Umupo ako sa sofa at umupo din siya. Pinahiga niya ko sa kandungan niya at sinimulan na niyang masahiin ang noo ko.

"Mom, I'm too tired po." Mahinang saad ko. "I know. Kaya nga miinamasahe ko ang noo mo eh." Sagot naman niya.

"Tell me mom, paano po kayo nagka-kilala ni dad?" Tanong ko naman at narinig kong tumawa si dad.

"Dahil kay Scarlett. Nagkukulitan kasi kami sa mall no'n nang bigla niya kong tinulak kaya ayon, nabangga ko ang mommy niyo." Pagkwento ni dad.

"Tapos, si Scarlett naman, tinanong ang number ko para daw i-reto sa'kin ang daddy mo para daw magka-love life naman siya." - Mom

"Binigay niyo naman po?"

"Oo naman. Nagha-hanap din ako ng boyfriend no'n eh. Sabi ko kahit sino ay okay lang basta mabait at maalaga." Sagot ni mom.

"Buti pumayag ka po dad?"

"Makulit si Scarlett eh. Wala na kong nagawa saka lagi niya kaming pinagde-date." Tumawa ako ng mahina.

"Masyadong malakas si Scarlett kaya hindi niya matanggihan saka mahal na mahal niya ang kapatid niya eh." Komento ni mom.

"I can see that po. Kaya mukhang spoiled si tita kay dad eh." Komento ko naman at tumahimik na. Pinagpatuloy na ni mom ang pagmasahe sa noo ko.

==== END OF CHAPTER 2. ====

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon