Date Published: February 22, 2021
CHAPTER 32.
AISHA
Nagising ako at napatakip ako ng mga mata dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
Umupo ako sa kama ng dahan-dahan at napatingin sa paligid. Napatingin ako sa mga sanggol na nakahiga sa kama.
Napangiti ako nang nakita kong tulog silang dalawa ng payapa. Tumagilid ako sa kama habang hinihimas ang mga pisnge nila.
"Valer and Ashrie. Aalagaan namin kayo ni Asher at po-protektahan namin kayo." Komento ko at hinalikan silang dalawa sa noo.
Nakita kong nagising si Ashrie at napatingin sa'kin. Umupo ako ng maayos sa kama at kinarga siya.
"Gising na si baby girl." Nakangiting saad mo at hinawakan niya ko sa buhok.
Agad kong nilayo ang buhok ko mula sa kamay niya dahil baka isubo niya. Sa susunod nga bibili ako ng maliit na gloves para sa kamay nila ni Valer.
"October 27... Birthday niyo ni Valer." Bulong ko pa at nilagay 'yon sa calendar para hindi namin makalimutan.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon at nakita ko si Asher at naglakad siya palapit sa'min.
Napangiti ako at umupo siya sa tabi ko ng dahan-dahan. Pagka-upo niya ay agad niya kong inakbayan.
"Hello, baby." Sinundot niya 'yong pisnge ni Ashrie ng marahan at umiyak ito.
"Hala! Baby, 'wag kang matakot. Si daddy 'yan." Sabi ko habang pinapatahan siya.
"Pina-iyak mo si baby Ashrie, hubby." Komento ko at natawa lang siya ng mahina.
"Labas tayo? Nandito sila mom ngayon." Tumango ako at kinarga niya si baby Valer na kakagising pa lang.
Lumabas kami mula sa kwarto at pumunta sa sala. Umupo ako sa sofa at binigay ni Asher si Valer kay dad at pumunta sa kusina.
"Ang cute. Ano ang pangalan nila, Valerie?" Tanong ni mom.
"Valer po at ito po si Ashrie." Sagot ko at tumingin si mom kay Ashrie.
"Kamukhang-kamukha ni Asher si Valer at kamukha mo si Ashrie, Aisha." Komento ni dad.
Maya-maya lang ay bumalik na si Asher galing sa kusina at dala niya 'yong tray at nilapag sa lamesa.
Kinuha niya si Ashrie mula sa'kin at kinuha ko na 'yong plato para kumain.
Nagugutom na din naman ako kaya kakain na ko. Nakakagutom pala ng sobra ang panganganak.
"Wife, dahan-dahan lang at baka mabilaukan ka." Komento niya at nagdahan-dahan naman ako.
Habang nakain ako ay nakipaglaro na muna sila kanila Ashrie at Valer.
~ AFTER SIX WEEKS ~
Nandito ako kasama nila Ashrie at Valer habang nakasakay sa stroller sa garden ng hotel. Naayos na nila 'to at open na for business transactions.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...