Date Published: June 6, 2020
CHAPTER 7.
THIRD PERSON'S POV
May grupo ng mga kalalakihan dito sa isang eskinita at pinagpapatay nila lahat ng mga lalaking nandoon.
"Hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya nahahanap." Saad ng isang lalaki at tumango ang mga kasama niya.
"Ark, may iba pang impormasyon." Saad ng isang bagong dating na lalaki at may binigay na isang papel.
"Puntahan natin 'to." Sagot ni Ark at umalis na sila mula sa pwestong 'yon para pumunta sa ibang lugar.
ASHER'S POV
Habang binabasa ang lahat ng impormasyon tungkol kay Aisha ay sinabihan ko na ang sekretarya ko na magpadala ng bantay dito.
Kailangan ko ng tao na magbabantay kay Aisha para mas masiguro kong ligtas siya.
Maliit lang naman ang org ko at hindi gano'n kalaki dahil proteksyon lang naman ang kailangan namin kaya okay na 'yon.
Napatigil ako sa pagbabasa nang narinig kong kumatok sa pintuan. Tinanggal ko 'yong suot kong salamin at tumayo na.
Naglakad na ko palabas at sinara ang daanan papunta sa secret room. Binuksan ko na 'yong pintuan at nakita ko si Aisha.
Napatingin ako sa suot niyang damit at napangiti ako dahil mukhang komportable naman 'yon sa kaniya.
Nakita kong nakangiti siya sa'kin at may naramdaman akong medyo kakaiba. Ang ganda talaga niya at mukha pa siyang mabait.
Pinapasok ko na siya sa loob ng kwarto ko at pagkapasok niya ay tumingin siya buong paligid.
Maya naalala na ba siya o may nangyari ba sa kaniya?
Habang nakatingin siya sa paligid niya ay napa-cross arms siya at nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"May problema ba? May naalala ka ba?" Lumingon siya sa'kin at ngumuso.
Bakit ba lagi siyang nakanguso sa'kin? Ang laki talaga ng problema nito sa'kin dahil baka hindi ako makapagpigil dito.
"Napaka-simple ng design ng kwarto ko kaya gusto kong baguhin pero hindi ko naman alam kung ano ang gusto kong design." Sagot niya.
"Kaya ako pumunta dito para humanap ng insperasyon kaso simple din ng kwarto mo eh." Lumungkot ang mukha niya.
Napa-isip ako para solusyonan ang problema niya nang naalala kong may libro nga pala ako dito.
"Okay, let me help you." Saad ko at may kinuhang libro mula sa bookshelf. Matagal ko na 'tong binili kaso hindi ko rin naman nagamit.
May plano din akong ibahin ang design kaso tinatamad ako at nauubos ang oras ko sa trabaho.
Binuksan ko 'yong libro at may pinakita sa kaniyang madaling design para sa kwarto niya. Napangiti siya kaya kinuha niya 'yong libro.
"Pwedeng hiramin?" Tumango ako. Nagulat ako nang bigla niya kong hinalikan sa pisnge.
Ganito ba talaga siya kapag natutuwa? Basta-basta na lang nanghahalik kahit na hindi niya kaano-ano?
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...