Date Published: June 6, 2020
CHAPTER 11.
THIRD PERSON'S POV
Nandito sila Ark sa isang maliit at ini-imbestigahan nila ito. Maraminsilang nakitang mga gamit at agad nilang nakilala kung kanino 'yon.
"I think that she stayed here before." Komento ni Ark. "'Yon din ang nasa isip namin." Saad ng isa niyan kasama.
"Kung gano'n, nasaan na siya ngayon? Ano ba nangyari sa'yo, Valshe?" Nag-aalalang tanong ni Ark.
"Ark! May nakita kami sa bandang creek!" Agad nilapitan ni Ark ang isang lalaki na sumigaw.
Dinala naman siya nito sa bandang creek at lumuhod sa sahig. May nakita siyang mga dugo doon at tuyot na ito. Napa-iling na lang si Ark.
"Delikado 'to. Mukhang may umatake kay Valshe kaya nawawala siya ngayon." Komento ni Ark.
Napatingin silang lahat sa isa't isa at sumeryoso lalo ang mga mukha nila ngayon. Kinuha ni Ark ang cellphone niya para tawagan ang isang tao na alam niyang may karapatang malaman tungkol sa nalaman nila.
AISHA'S POV
Naalimpungatan ako nang naramdaman kong wala si Asher sa tabi ko.
Napa-upo ako sa kama at napatingin sa paligid. Nakita ko siya sa veranda at nainom ng alak.
Bumangon ako mula sa kama at lumapit sa pwesto niya. Tumabi ako sa kaniya at napatingin siya sa'kin.
"May problema ba hubby?" Tanong ko at hinawakan siya sa pisnge niya.
"Nothing. Ganito lang ako mag-relax." Nakangiting sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
Hinalikan niya 'yon at nakaramdam ako ng saya. Ang sweet na naman niya sa'kin. Mas nilapit ko pa 'yong upuan ko sa kaniya.
"Tama na ang inom hubby. Marami ka na atang naiinom eh." Pagsita ko at kinuha na 'yong baso mula sa kaniya.
Humarap ako ulit sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng mga mata niya.
"It's fine. Ganito ako lagi at okay lang naman ako kinabukasan." Sagot niya at sa'kin kaya napa-isip ako.
Tumayo ako at lumabas mula sa kwarto niya para kumuha ng baso. Pagkakuha ko do'n ay bumalik na ko ulit at umupo sa tabi niya.
"Ayaw mong tumigil kaya sasamahan na lang kita." Nakangiting saad ko at kinuha 'yung bote at naglagay sa baso ko.
"Kung hindi mo na kaya, stop drinking okay? Ayoko namang may mangyaring hindi maganda sa'yo." Tumango ako.
"Of course. 'Wag ka nang mag-alala, hubby." Kinindatan ko siya at uminom na.
Medyo nagtaka ako dahil parang sanay na sanay na kong uminom ng alak.
"Hmm? Bakit parang sanay na kong uminom?" Takang tanong ko at napatingin sa baso.
"Maybe, you're really drinking before during occasions?" Komento niya kaya uminom na lang ulit ako.
"Baka nga, hubby." Nakangiting sagot ko nang naubos ko na 'yung alak na nasa baso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...