Chapter 13.

246 5 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 13.

AISHA'S POV

Pumasok sa trabaho si Asher ngayon kaya ginagawan ko siya ng cake. Strawberry Cheesecake ang ginagawa ko para sa kaniya.

Nalaman ko kasi na paborito niya ang Strwberry kaya naman naghanap agad ako ng recipe na may strawberry.

Nandito din si Selle ngayon at binabantayan ako. Inutusan kasi siya ni Asher kaya pumayag ako.

Nag-aalala lang naman si Asher sa'kin kaya naiintindihan ko siya. Ang sweet talaga niya sa'kin kahit kailan kaya mas minamahal ko siya eh.

"Miss, hindi po ba masyadong malaki ang ginagawa niyo kung para kay sir lang 'yan?" Nag-aalalang tanong ni Selle.

"'Wag kang mag-alala. Pupunta ako sa opisina niya at kakain kaming dalawa." Sagot ko.

Tapos ko nang lutuin 'yung kanin at sinigang kanina kaya sa dessert ako naka-focus ngayon.

"Magugustuhan niya 'yong niluto ko at sisiguraduhin ko 'yon." Komento ko at tumahimik na ulit ako.

~~~~

Nasa byahe kami ngayon ni Selle at dala ko na 'yung pagkain na kakainin namin ni Asher.

Hindi ako makapaghintay na kumain kasabay ni Asher ngayon sa opisina niya. Ito ang unang beses na makikita ko ang opisina at kompanya niya.

~~~~

Nandito na kami sa lobby ng kompanya at sumunod ako kay Selle. Nakasuot ako ng face mask at pinagtitinginan ako ng mga taong nandito ngayon.

Hindi ko na lang sila pinansin pa dahil hindi ako makapaghintay na makasama at makita si Asher.

Sumakay kami sa elevator at may pinindot doon si Selle kaya sumara na ang pintuan.

"Wow." Reaksyon ko nang naramdaman kong gumalaw na ang elevator.

Maya-maya lang ay bumukas na 'yong pintuan at lumabas na kaming dalawa. Pumunta kami sa tapat ng isang pintuan at bumukas agad ito.

May tinulak si Asher na babae palabas mula sa opisina niya. Nakasuot lang ng maikling damit 'yung babae at nakaramdam agad ng inis.

Nahalata ko naman na nagulat si Asher nang nakita niya kaming dalawa ni Selle sa tapat ng opisina niya.

Niyakap ako ni Asher at hindi ko alam kung para pigilan ba akong sugurin 'yung babae o para sabihin na 'wag akong magselos. Tinanggal ko 'yung braso niya mula sa'kin.

Pinahawak ko kay Selle 'yung hawak kong pagkain at lumapit sa babae. Sinamaan ko siya ng tingin at medyo napaurong siya.

Tinanggal ko 'yung suot kong face mask at para maintindihan niya ang sasabihin ko at para makita niyang mas maganda ako kesa sa kaniya.

"I believe that this is an office and not a bar. Paano ba nakapasok dito ang isang striper na tulad mo?" Nakataas kilay kong saad.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon