Date Published: June 27, 2020
CHAPTER 23.
THIRD PERSON'S POV
Nandito si Ark sa loob ng kwarto ni Vidal at nakaupo sa kama nito. Hinihintay niyang dumating si Vidal mula sa kusina.
"Ark..."
"Yes, kuya?" Tawag ni Ark nang bumalik na si Vidal na may dalang dalawang kape. Binigay sa kaniya ang isa.
"Thank you, kuya." Sabi ni Ark at tinanggap na niya 'yung kape. Tumabi sa kaniya ang kapatid.
"Bakit ka ba kuya ng kuya sa'kin? Mas matanda ka pa nga sa'kin. Ako nga dapat natawag ng kuya sa'yo." Komento ni Vidal.
"But by the way, don't worry too much about Valerie. She's safe pero kailangan pa rin nating hanapin ang tuma-target sa kaniya." Paliwanag pa ni Vidal.
"Okay. Tell me kung nasaan siya babantay ko siya." May inabot na address si Vidal at kinuha 'yon ni Ark.
"Ako na ang bahala sa kapatid natin." Tumayo na si Ark at naglakad palapit sa pintuan.
"Kuya, you're always one of us. Remember that." Sabi ni Vidal at tuluyan nang lumabas si Ark mula sa kwarto habang nakangiti.
AISHA'S POV
Nagising ako nang naramdaman kong may humahalik sa leeg ko at nakita ko 'yong anino ng lalaki at agad akong nakaramdam ng takot.
"T-tama na! Please! Layuan mo ko!" Sigaw ko at nanlaban ako sa kaniya. Tinulak ko siya paalis mula sa taas ko.
ASHER'S POV
Nagising ako nang sumisigaw na naman si Aisha at nakita kong nagwawala na naman siya sa tabi ko.
Agad ko siyang ginising bago niya pa masaktan ang sarili niya. Napamulat siya ng mata at niyakap niya agad ako.
"What happened again? Napapadalas na ang panaginip mong 'yan." Komento ko.
"'Yong lalaki, gusto niya kong gahasain, hubby." Umiiyak niyang saad at kinuha na ang cellphone ko at tinawagan si Vidal.
"Yes? Something happened to my sister?" Tanong niya agad.
"Nagwawala na naman ang kapatid mo at takot na takot." Pagkwento ko at medyo kumalma na si Aisha.
"Okay, I'll call someone to go there and check her up." Sabi niya at binaba na niya 'yong tawag.
"May papapuntahin dito ang kuya mo para i-check up ka, huh?" Sabi ko at niyakap ko ulit siya.
~~~~
Nakapagbihis na kami at nandito kami sa sala habang hinihintay 'yong tinutukoy ni Vidal na papapuntahin niya dito.
Maya-maya lang ay dumating si Selle na may kasamang pamilyar na lalaki.
He's... Oh no...
"Hello, I'm Vaughn." Malamig niyang saad sa'kin. He's Vaughn Aldous at siya ang ama nila Aisha.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomantizmAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...