Date Published: June 6, 2020
CHAPTER 10.
ASHER'S POV
"Say 'Ahhh', hubby." Binuka ko 'yong bibig ko dahil sa susubuan na naman niya ako.
"Yehey. Good hubby." Pumalakpak siya at tinapat ko naman sa bibig niya ang kutsara ko.
"Ayiie... Sige. Subuan mo rin ako, hubby." Sinubo na niya na 'yong kutsara na may pagkain.
"Anong ginawa mo sa buong magdamag, wife?" Tanong ko.
"Nag-research lang tungkol sa mga pagkain at kung paano magluto." Sagot niya.
"Gusto ko kasi sa tuwing umuuwi ka dito after ng work mo, may pagkain ka."
"Pinapatira mo na ako, inaalagaan at prino-protektahan kaya ito lang 'yong kaya kong gawin para makabawi sa'yo."
"Saka marunong akong magmasahe, gusto mo masahiin kita mamaya?" Tumango ako.
Mukhang kailangan nga ng masahe ang likod ko dahil sa sobrang sakit.
"Pagkatapos kumain, maligo ka na hubby tapos mamasahiin kita." Hinimas ko ang buhok niya.
"'Wag ka lang magpapagod hangga't wala ako dito, okay? Ayoko namang mapagod ka para lang sa'kin." Sabi ko at tumango siya.
Kumain na ulit kami ng tahimik at inubos na ang lahat ng pagkain na niluto niya.
~~~~
Tinutulungan ko siyang magligpit ng pinagkainan namin at nagsimula na siyang maghugas.
"Hubby, ako na dito kaya maligo ka na."
"Tulungan na kita." Umiling siya at humarap sa'kin. Nilagay niya 'yong dalawang kamay niya sa bewang niya.
"Hubby, ang trabaho ng asawa sa bahay ay 'yong mga gawaing bahay at ikaw naman ay 'yong nagta-trabaho kaya..."
"Kapag nandito ka sa bahay, pagsisilbihan kita kasi alam kong pagod ka sa trabaho." Napabuntong hininga ako.
"Okay? Saka gusto kong makapagpahinga ka na kaya ako na dito. Kaya ko na 'to." Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang.
Hinalikan ko na siya sa noo niya at naglakad na paakyat sa kwarto para maligo.
Hindi pa ko masyadong nakakalayo nang tinawag niya ako kaya napalingon ako sa direksyon niya.
"Pagkatapos maligo, 'wag kang magsusuot ng t-shirt kasi mamasahiin pa kita." Paalala niya.
"Sige. I got that." Nakangiting sagot ko at naglakad na ako paakyat.
I'll make sure that she's going to be happy with me and this relationship will work whatever happens.
~~~~
Nasa loob na kami ng kwarto at nakasuot lang ako ng short dahil ayaw niyang magsuot ako ng pang-itaas dahil sa mamasahiin niya ako.
Kaya naman dumapa na ko sa kama at naramdaman kong umupo siya sa gilid ko.
"Lagyan kita ng oil ah." Tumango ako at naramdaman kong naglagay na siya ng oil sa likod ko.
Sinimulan na niya akong masahiin at doon ko lang nalaman na marunong talaga siya.
Masahista kaya 'to dati bago pa siya mawalan ng ala-ala? Ang sarap sa pakiramdam ah.
"Masyado kang nagpapagod sa trabaho mo, magpahinga ka naman hubby." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...