Date Published: June 29, 2020
CHAPTER 24.
AISHA'S POV
Habang nakain kami ni Asher ay napatingin ako sa suot naming singsing nang may naalala ako bigla.
"Hubby, pwede bang 'wag na tayong magpakasal ulit? Kasal na rin naman tayo kaya ayos na 'yon sa'kin." Sabi ko.
"But wife, madalian lang ang kasal na 'yon. I want you to have a wedding na talagang pinaghandaan natin." Ngumiti ako.
"Ayoko lang naman kasing gumastos pa eh. Saka kailangan nating magtipid para kapag nagka-baby na tayo." Sabi ko pa.
"Is that what you really want?" Tumango ako at ngumiti. Napahinga siya ng malalim.
"Fine. Kung ayan talaga ang gusto mo, then it's fine." Sabi niya at kumain na lang ulit kami ng tahimik.
ASHER'S POV
~ AFTER TWO MONTHS ~
Dalawang buwan na ang nakakalipas at nandito ako sa isang dress shop at tumitingin ng damit na pangkasal.
Kahit na sinabi ni Aisha na ayaw niyang gumastos ay ipipilit ko pa rin 'to para naman maranasan niya ang isang kasal na hindi minadali.
Humingi ako ng tulong kanina Orion at Vidal dahil sa alam kong makakatulong sila sa'kin ngayon.
"Wow. Seryoso ka talaga dito, huh?" Tumango ako sa kinomento ni Orion.
"Bakit naman magiging hindi? Ito na nga lang ang kaya kong ibigay sa kaniya." Sagot ko.
"Napakabait at maintindihin niya to the point na pakiramdam ko ay inaabuso ko na siya." Dugtong ko pa.
"Saan kayo magpakakasal?"
"Kahit sa garden lang ng bahay since ayaw talaga niyang gumastos. Aayusin ko na lang." Tumango-tango siya.
"I think I can call someone na pwedeng tumulong sa pag-aayos ng garden since mahilig namang mag-design ang mga batang 'yon." Komento niya at may tinawagan.
Napatingin ako sa isang puting damit at kinuha ko 'yon saka tinignan.
Mukhang bagay kay Aisha 'to at parang pwede ding pangkasal. Pero ang tanong, ano ba ang size niya?
"Dude." Napatingin ako kay Vidal nang bigla niya kong tinapik sa braso ko. Napatingin din siya sa hawak kong damit.
"Wow. I think that's okay for her to wear. Mukhang magugustuhan naman niya 'yan." Komento niya.
"Kaso, kasya kaya 'to sa kaniya?" Tanong ko at tumango siya. Hinila niya ng marahan 'yong damit at stretchable naman.
Tinignan ko 'yong presyo at mura lang naman. Kinuha ko na 'yong wallet ko at pumunta sa counter.
Binigay ko na 'yong bayad at 'yong damit at nilagay na 'yon ng babae sa loob ng paper bag.
"Thank you." Nakangiting saad ko at umalis na kaming tatlo doon. Marami pa kaming dapat asikasuhin at dapat hindi malalaman ni Aisha ang tungkol dito.
~ AFTER ONE WEEK ~
Isang linggo na ang nakakalipas at patapos na ang pag-aayos sa garden. Tinawagan ko rin si Zarina na dalhan ako ng mga bulaklak dito kaya nandito din siya para ayusin 'yon.
Dahil sa buntis siya ay nandito din si Alezer para bantayan ang fiance niya kasama sila Dominique at Calum.
Nandito din ang isang pinsan ni Orion na si Annaline at ang tatlong kapatid niyang babae na sila Ara, Carina at Cassiopeia para mag-design.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...