Chapter 5.

336 6 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 5.

ASHER'S POV

Nakarating na ko sa kompanya at agad kong nakasalubong si dad na may kinakausap sa front desk.

Agad akong lumapit sa kaniya at napatingin siya sa'kin. Sinenyasan niya kong sumunod kaya sumunod ako sa kaniya papsok ng elevator.

"So, hindi pumayag sila Clastene kahapon? I'm not surprised about that." Komento niya agad.

"To be honest, bakit niyo pa po ba sila binigyan ng karapatan dito? Nakalagay naman po sa will ni lolo na wala silang karapatan." Sagot ko.

"I know. Ayoko lang naman maging masama."

"But they are doing everything to ruin things in this company, dad."

"I know. Kami na ni Scarlett ang bahala dito kaya 'wag ka nang mag-alala pa." Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.

"And besides, may ginawa nang hakbang sila Beryl at Scarlett sa kanila." Kumunot ang noo ko nang may narinig akong hindi pamilyar na pangalan.

"Who's Beryl?"

"Scarlett's husband. Lagi siyang wala dito dahil may inaasikaso siyang iba." Napatango na lang ulit ako.

"Dad, question."

"What is it?" Huminga ako ng malalim.

"Do you know someone who's part of Aldous?" Tumingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo niya.

"Ashworth knows them. Why?" Sagot niya.

"Just asking. Thank you." Hindi ko na sinabi sa kaniya ang tungkol kay Valerie dahil baka mag-hysterical na naman siya.

Bumukas na 'yong pintuan ng elevator at lumabas na kami. Nang nakita ko si tito Bladerim ay agad ko siyang nilapitan.

"Tito, can we talk privately po?"Sinenyasan niya kong sumunod at pumasok kami sa loob ng meeting room.

Agad kong ni-lock ang pintuan at umupo sa tabi ni tito Bladerim na prenteng nakaupo at nakatingin sa'kin.

"Can I ask you something about Aldous?" Nakita kong sumeryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"What about them?"

"Do you know someone named Valerie Aisha Aldous?" Nang narinig niya 'yong pangalan ay agad siyang nagulat.

"How did you know about her? Nawawala siya for a week now."

"I saw her last night sa isang creek at walang malay. Sugatan din po siya and now, she has amnesia." Paliwanag ko.

"Hindi ko naman po siya mai-uwi dahil sa hindi ko po alam kung saan siya nakatira." Dugtong ko pa.

"Let her stay with you for now. She's still not safe, as long as they are around." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Just do what I say and take care of her, Asher. Ako na ang bahala sa mga Aldous." Wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Good. Don't let someone see her except you. Understand?" Tumango ulit ako kahit na medyo naguguluhan.

"Can I ask why?" Huminga na muna siya ng malalim at tumingin ng seryoso sa'kin.

"Someone's targeting her, Asher. Kung sino man 'yon? Hindi rin namin alam." Sagot niya.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon