Date Published: February 27, 2021
CHAPTER 33.
ASHER
Maaga akong nagising ngayon dahil sa pag-ungol ng mahina ni Aisha sa tabi ko na para bang natatakot siya.
Hula ko nananaginip na naman siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit para kumalma. Tumigil naman siya mula sa pag-ungol at nakita kong ngumiti siya ng onti.
Hinalikan ko siya sa noo at bumangon na mula sa kama. Nagbihis na ko at inayos ang kumot.
Hindi ko na lang muna siya gigisingin para makapagpahinga pa siya. Hindi niya man aminin ay alam kong napagod siya kahapon sa paglalakad sa garden ng hotel.
Lumabas na ko mula sa kwarto at pumunta sa kwarto ng mga bata. Nakita kong gising na silang dalawa at ang laki ng mga maya nila habang nakatitig sa'kin.
"Good morning, babies." Nakangiting saad ko at kinarga ko na silang dalawa. Nilabas ko na sila mula sa kwarto at pumunta na sa kusina.
Pinaupo ko na silang dalawa sa upuan nila at nagsimula nang magluto ng pang-umagahan.
•*•*•*•*•*•*•*•*
Kasalukuyan kong pinapakain ang mga bata nang nagising na si Aisha. Nakita kong magulo pa rin ang buhok niya.
Suot niya ang puti kong polo na napakalaki sa kaniya at alam kong naka-underwear lang siya ngayon at walang suot na short.
"Good morning, wife." Bati ko at napangiti siya sa'kin. Hinalikan niya ko sa labi at hinalikan niya rin 'yong mga bata sa noo nila.
"Kain na para maitanim mo na 'yong mga bagong bigay ni Zarina." Sabi ko at napangiti siya.
"May binigay siyang bagong pwedeng itanim na halaman? Pero hindi ba nakakahiya 'yon kasi binigay niya?"
"Don't worry, binayaran ko 'yon kahit na binigay niya lang. Nakakahiya kasi kung tatanggapin ko ng walang bayad."
"Buti naman. Sige. Ita-tanim ko 'yon mamaya." Umupo na siya sa upuan at kumain na.
Hinahampas ni Valer 'yong maliit niyang lamesa kaya naman sinubuan ko na ulit siya. Salitan silang dalawa ni Ashrie kaya walang maghihintay ng matagal.
•*•*•*•*•*•*•*•*
Nakapagbihis na ko at bumaba na ko mula sa hagdan. Pumunta ako sa garden at naabutan ko si Aisha na nagtatanim.
Karga naman nila Lenette ang mga bata habang pinapatahan ang mga ito dahil sa naiyak na naman sila.
Lumapit muna ako sa mga bata at hinalikan sila sa ulo nila. Mukhang ayaw nilang magpakarga sa iba ah.
"Kayo na pong bahala sa kanila ah." Sabi ko at tumango silang dalawa sa'kin habang pinapatahan pa rin ang mga bata.
"Wife, una na ko." Paalam ko at lumingon siya sa'kin. Tumayo siya at hinalikan ako sa labi.
"Ingat saka uwi ka agad." Tumango ako at umalis na mula sa bahay at pumunta na sa kompanya.
~ AFTER ONE MONTH ~
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
Storie d'amoreAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...