Chapter 22.

225 4 0
                                    

Date Published: June 27, 2020

CHAPTER 22.

ASHER'S POV

Pagkatapos ng usapan at kainan kanina ay nagsialisan na silang lahat dahil sa may mga trabaho pa daw sila.

Nandito ako ngayon sa harap ng computer at naghahanap ng magandang lugar kung saan pwedeng magpakasal.

Saan kaya gusto ni Aisha? Ano kaya ang magugustuhan niya? Ang hirap naman nito.

Napasandal ako sa upuan at minasahe ang noo ko. Hula ko kailangan kong umuwi para mapag-usapan namin 'to ni Aisha.

Para malaman ko rin kung ano ang gusto niya o kaya kung ano ang hilig niya para naman ma-enjoy niya.

Tumayo na ko at inayos ang gamit ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ko mula sa opisina at dumaan muna sa flower shop bago umuwi.

~~~~

Nasa lobby na ako nang nakasalubong ko si Orion. Himala, hindi niya kasama si Vidal ngayon. Nang nakita niya ko ay agad siyang lumapit sa'kin.

"Come with me." Sabi niya at tumango ako. Sumama na ko sa kaniya papunta sa sasakyan niya. Pinaandar na niya ito.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. "Sa isang cafe lang. Just going to talk to someone." Sagot niya.

"Bakit hindi si Vidal ang kasama mo?"

"He's talking to his father, right now. Asking about Valerie." Napatango ako at hindi na nagtanong pa.

~~~~

Pagkarating namin sa cafe ay pumasok na kami at pumunta sa pwesto ng isang babae. Umupo kami sa harapan nito at napatingin siya sa'min.

"What do you want, Happee?" Tanong ni Orion. "Narinig ko na nahanap niyo na daw si ate Valshe." Sagot ng babae.

"Yes. We found her pero hindi pa siya pwedeng umuwi just to make sure that she's safe." Tumango 'yung babae at tumingin sa'kin.

"Hi. I'm Happee."

"Asher." Nakipag-kamay ako sa kaniya.

"Kuya ang pogi mo. Makipag-date ka naman sa'kin oh."

"Shut up, Happee. You're too young to date." Sita ni Orion at tumayo. Kaya naman tumayo na din ako at sumunod na sa kaniya.

"Kuya!" Napalingon ako nang hinawakan ni Happee ang braso ko. "Promise ka muna na makikipag-date ka sa'kin." I sighed.

"Fine. Sige." I answered para lang tumigil na siya. Napangiti siya at umalis na ko kasama ni Orion.

~ ZARINA'S FLOWER SHOP ~

Pagka-alis kanina mula sa cafe ay bumalik na muna ako sa kompanya para kunin ang sasakyan ko at pumunta agad dito sa shop.

Inaayos na ni Zarina ang in-order kong Anemone at napansin kong namumutla siya.

"May sakit ka ba? Namumutla ka, Zarina." Komento ko at nginitian niya ko ng onti.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon