Chapter 43 | Asher.

160 3 0
                                    

Date Published: March 22, 2021

~ ONE WEEK AFTER ~

Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa bumabalik sila Violet kasama ang mga bata.

Gusto daw kasi nila Mr. Aldous na maka-bonding pa ang mga bata kaya hindi pa sila makauwi.

Pumayag naman ako dahil may karapatan sila sa mga apo nila at alam ko naman na hindi nila sila ilalayo mula sa 'kin.

"Hubby, hindi pa ba uuwi sila Violet?" Umiling ako sa kaniya.

"Gusto pang makasama ng mga magulang mo ang mga bata kaya hindi pa sila uuwi." Sagot ko.

"Kasi baka hindi na sila ibalik eh." Natawa ako ng mahina at niyakap siya.

"Punta lang ako sa kitchen para uminom ng tubig." Tumango ako at nilapitan ng mga bata.

Nakipaglaro ako sa kanila at maya-maya lang ay naramdaman akong tao pero hindi ko pinansin dahil baka 'yung mga bantay lang 'yan.

"Hello." Bati niya. Napatingin kami sa kaniya at ngumiti ako nang nakita ko si Rebecca. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pina-upo siya sa sofa.

"Mga anak namin ni Aisha. Sila Valer at Ashrie." Pagpakilala ko sa mga anak namin at kumaway siya sa kanila.

Kinawayan din siya ng mga bata pero halatang nahihiya sila sa kaniya. "Hi. I'm Rebecca. Tita niyo." Nakangiting saad niya naman.

"Hi. I'm Heikt." Pakilala din ng isang bata.

"I'm Keath." Sabi din ng isa pa.

"Let's play." Pag-aaya ni Valer at sumunod na sa kaniya ang mga bata.

"Pwede bang makausap si Val? Gusto ko lang sana siyang kamustahin." Tumango ako at tumayo.

"Tawagin ko lang siya." Ngumiti siya at naglakad na ko papuntang kusina. Pagkarating ko doon ay nilapitan ko 'yong isang katulong.

"Abutan niyo po ng juice 'yong bisita." Sabi ko at ginawa naman niya agad 'yon.

Lumapit ako kay Aisha na naglalagay ng re-fill sa pitchel at yumakap mula sa likod niya.

"Nandito si Rebecca, wife. Gusto ka niyang kausapin." Bulong ko at tumango siya.

Pinasok na niya sa loob ng ref 'yong pitchel at naglakad na kami papuntang sala.

"Ate..." Tawag ni Aisha nang nakarating na kami sa sala. Umupo siya sa tabi ni Rebecca at niyakap ito. Umupo ako sa sofa at pinanood lang sila.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Rebecca. Nakita kong napatingin si Aisha sa tiyan niya at huminga ng malalim.

"Ayos lang naman at ligtas si baby pero wala pa rin ako masyadong naalala except sa'yo, ate." Sagot niya.

"Bakit hindi kayo bumisita sa bahay, Val? Baka sakaling may maalala ka kapag bumisita ka sa bahay." Suhestyon nito.

"Isama mo si Asher at ang mga bata. Nag-aalala at nangungulila sila tita sa'yo." Dugtong niya pa.

"Saka baka matulungan din nila kayo sa problema niya ngayon. Baka meron silang paraan para maka-alala ka." Sabi niya pa.

Napatingin si Aisha sa 'kin at alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Kahit na kinakabahan ay kailangan kong pumayag para sa kaniya.

"Hubby? Punta tayo. Gusto talaga kitang protektahan mula sa lahat." Tumayo siya at niyakap ako.

"Ang tanong, tanggap ba ko ng mga magulang mo? Alam mo namang natatakot ako sa pamilya mo dahil baka hindi nila ako gusto para sa 'yo." Sagot ko naman.

Mukha mang okay kay Mr. Aldous ang relasyon namin ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

Mas lalo na ang nanay niya dahil hindi ko pa rin ito nakikilala kahit isang beses man lang.

"Ako'ng bahala sa 'yo, hubby. Pagtatanggol kita mula sa kanila. Saka wala na rin naman sila magagawa kundi ang pumayag dahil may pamilya na tayo." Sagot niya.

"Tawagan niyo ko kung may problema. Tulungan ko kayo kanila tita." Pagsingit naman ni Rebecca.

"Fine. Sige. Punta tayo bukas, wife. Basta 'wag kang pupunta kahit saan ah. Dito ka lang." Tumango siya at hinalikan ako sa labi.

Kinuha ko 'yong inabot ni Rebecca sa 'kin at tinignan. Niyakap ko ng mahigpit si Aisha dahil sa sobrang kaba.

"Maghanda ka na para bukas." Tumango siya at ngumiti ako. Dapat sinasabi ko 'yan sa sarili ko at hindi siya.

"Una na ko." Napatingin kami kay Rebecca nang tumayo na siya.

"Agad? Stay ka muna dito?" Sabi ni Aisha at kaya naman tumango siya.

"Sige na nga. Wala rin naman akong gagawin sa ngayon eh." Natawa siya ng mahina at umupo ulit sa sofa at nakitapag-usap sa'min.

AISHA

"Anong klaseng asawa ang pinsan ko, Rebecca?" Tanong ni Asher kay ate Rebecca.

"Possessive saka overprotective. Minsan nga nakakatakot siya eh." Natawa siya ng onti.

"Ngayon ko lang kasi sila nakilala dahil sa lagi silang busy base kay tita Scarlett." - Asher.

"Lagi naman talaga silang busy mas lalo na sila kuya Blazen at tito Beryl."

"Ngayon ko lang naalala..." Bulong ko. Napatingin sila sa 'kin at may inabot na flash drive.

"Nakita ko lang 'to kanina sa loob ng bag ko. May nakalagay kasi na pangalan at naalala kong parte siya ng Ashworth." Sabi ko.

Tinignan ni ate Rebecca 'yon at napatango. Binulsa na niya 'yon at tumingin sa 'kin.

"Si ate Bladerina." Napabuntong hininga siya.

"Bakit parang sabay-sabay kayong nawala at nagsipakita ngayon?" Tanong niya.

"Hindi ko alam pero baka nagkataon lang kasi maraming tuma-target sa 'tin." Sagot ko.

"Hmm... Baka nga. Mas lalo na't malaki ang pamilya natin saka kalat-kalat tayong lahat." Tumango ako.

Nang sinabihan na kami ng isang katulong na pwede nang kumain ay pumunta na kami sa hapagkainan kasama ng mga bata.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakahiga kami ni Asher ngayon sa kama at yumakap ako sa kaniya. Hinimas niya ang buhok ko.

"Sa 'yo lang ako kahit na anong mangyari, hubby. 'Wag kang mag-alala." Bulong ko.

"I know, wife. I know." Hinalikan niya sa buhok at natulog na kaming dalawa.

~ NEXT DAY ~

Nabyahe na kami ni Asher ngayon papunta sa address na binigay ni ate Rebecca. Kasama namin sila Ashrie at nakaupo sila sa likod ng sasakyan habang natutulog pa rin.

Masyado pa kasing maaga kaya hindi na namin sila ginising pa at binuhat na lang sa pasakay ng sasakyan.

"Sana walang magbago kahit na maka-alala pa ko." Bulong ko at pinikit ko na ang mga mata ko.

~ ALDOUS RESIDENCE ~

Nandito na kami sa isang malaking bahay at bumaba na ko mula sa sasakyan.

Pumunta ako sa pwesto ng mga bata at ginising sila ng marahan. Humikab silang dalawa at tumingin sa 'kin.

"Where are we po?" Tanong ni Valer at inalalayan ko silang bumaba mula sa sasakyan.

"Nasa bahay ng pamilya ko." Simpleng sagot at lumapit sa'min si Asher saka hinwakan ang kamay ko.

"Tara na." Bulong ko at naglakad na kami papasok ng bahay. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa kaba.

'Sana maging okay lang ang lahat.'

•••• END OF CHAPTER 43. ••••

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon