Chapter 6.

310 6 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 6.

ASHER'S POV

Kasalukuyang kumakain kami ngayon at kanina ko pa pinapanood si Aisha dahil sa mukhang masaya siya ngayon.

Kahit na burger at fries lang ang pagkain namin ay masaya talaga siya.

"Bakit hindi ka nakain?" Tanong niya kaya napatigil siya mula sa pagkain niya.

"Ang sarap mo kasing panoorin. Ang cute mong kumain saka masaya ako kasi bumalik na 'yon dati mong lakas." Sagot ko.

"Salamat sa tulong mo saka babawi ako sa'yo agad kapag medyo may naalala na ako." Umiling ako.

"Alagaan mo na lang 'yong sarili mo sa susunod, Aisha. 'Yon na lang 'yong gawin mo para makabawi." Sagot ko.

"Kapag nalaman ng pamilya ko ang tungkol dito, 'wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kanila." Paniniguro niya.

"Sige. Magpapaliwanag din ako sa kanila para maka-iwas sa gulo." Sagot ko at kumain na ulit.

"Pero pwede bang malaman kung ano 'yung nasa kwarto na na may nakalagay na danger sign?" Tanong niya.

"Puro kuryente kasi ang nandoon. Kaya naglagay ako ng sign." Sagot ko naman at tumango siya. Tumahimik na ulit siya.

~~~~

Nasa loob ako ng kwarto at tinawagan si tito Bladerim. Maniniguro lang ako dahil ayoko talagang magkaroon ng gulo between Reonal at Aldous.

Kasi kapag mangyari 'yon, alam kong mas kakampihan ng Ashworth ang Aldous dahil mas nauna silang maging magkaibigan.

"Yes, Asher? Something happened to Valerie?" Tanong niya agad mula sa kabilang linya.

"Tito, to be honest, I have a question." Sagot ko at uminom ng alak.

"I want to know if Aisha has a boyfriend or something. Ayoko po kasi ng gulo and misunderstanding." I said.

"I talked to her mom a while ago at sinabi naman niyang wala. So, don't worry." Napangiti ako.

"Are you perhaps, in love with her now."

"Tito, no. I'm not. Why would I? I just met her last night at saka hindi po ako mabilis ma-in love."

"Let's see about that, Asher. I e-mailed you everything that you need to know about Valerie."

"Just make sure na hindi lalabas lahat ng information na 'yan kundi lagot tayo parehas."

"Yes, tito. I understand." Sagot ko at napalingon sa pintuan nang narinig kong bumukas 'yon.

"Asher?" Ngumiti ako sa kaniya at naglakad siya papasok sa kwarto ko.

"Tito, I have to go po." Paalam ko then I hung up. Lumapit ako sa kaniya.

"Ano pala 'yong susuotin ko? Wala akong ibang damit dito eh." Namumula niyang saad.

"For now, wear this." Pumunta ako sa cabinet at kumuha ako ng damit doon. Kinuha ko 'yong t-shirt ko at underwear at inabot sa kaniya. Kinuha niya 'yon at ngumiti.

"Thank you saka sorry kung naistorbo kita." Umiling ako at hinimas ang ulo niya.

"No, it's fine. Don't worry. Maligo ka na para makapagpahinga." Tumango siya at lumabas na mula sa kwarto ko.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon