Epilogue.

433 5 0
                                    

Date Published: March 27, 2021

Nagbabarilan na silang lahat sa sala habang tinatago naman nila Violet at Aisharinne ang mga bata.

"Damn. Veranica, punta ka sa kwarto ni Val at sabihan sila tungkol dito." Agad na tumakbo paalis si Veranica para sabihan ang kapatid.

"They literally attacked us here, huh? Bold move." Komento ni Vaughn habang binabaril ang mga kalaban.

"We're going to finish them now. Para naman maging payapa ang pamilya nila." Tumango si Vidal at pinatay na nila ang mga nakikita nilang kalaban.

AISHA

"Ate, 'wag na muna kayo lalabas dito para ligtas kayo ni baby." Tumango ako kay Veranica at napahawak sa tiyan ko.

"Sige. Dito lang kami kasama si Asher." Sagot ko at umalis na siya. Ni-lock ko na 'yong pintuan at umupo sa kama.

Pinakawalan ko na si Asher mula sa pagkakaposas ko sa kaniya. Niyakap ko siya agad nang umupo siya.

"Stay here, okay? Titignan ko lang 'yong mga bata kung ligtas sila." Agad ko siyang pinigilan nang tatayo na siya mula sa kama.

"Hubby, sama ako. Nag-aalala din ako kanila Valer eh." Tumango siya at binuksan ko 'yong drawer ko at kinuha ang baril.

"Tara na." Dahan-dahan kaming lumabas mula sa kwarto at tinignan ang paligid.

Nang nasiguro naming walang kalaban ay naglakad na kami papunta sa iba't ibang kwarto para hanapin ang mga bata.

"'Wag kang lalayo sa 'kin, Aisha." Tumango ako at kinasa na 'yong baril. Binuksan namin ang iba't ibang kwarto pero agad din namin 'yon sinasara nang wala kaming nakitang tao sa loob.

Napatigil kami nang may narinig kaming yabag ng paa sa harap at nagtago sa pader.

Sinilip ni Asher kung sino 'yon at kinuha niya 'yong baril mula sa 'kin. Tinapat niya 'yong baril sa naglalakad palapit sa pwesto namin.

"Ingat sa pagbaril, hubby." Paalala ko at nang may nakita na kaming lalaki ay agad siyang bumaril at tumumba sa sahig 'yong lalaki.

"Kalaban siya." Komento ko at kinuha 'yong baril ng lalaki. Bumaba na kami sa hagdan at marami kaming nakitang kalaban.

Pinagbabaril namin sila at dumating sila daddy sa pwesto namin. Tinulungan nila kami ni Asher.

"Daddy, nasaan po 'yong mga bata?" Tanong ko at napatingin siya kay kuya Vidal.

"Mom's with them. Hindi ko lang alam kung saan sila nagtatago." Sagot ni kuya sa 'kin.

"That's..." Napatingin ako sa tinitignan ni Asher at may nakita akong isang pamilyar na lalaki.

"Efraim Sancha." Bulong ko at ngumiti siya sa 'kin ng matamis. Tinapat ko sa kaniya 'yong baril ko at tumawa siya.

"Ang plano lang naman namin at patayin ang asawa mo. Hindi naman namin pwedeng galawin ang business niya dahil makakalaban namin ang mga Arcana." Mahabang saad niya.

"Hindi mo kayang kalabanin ang mga Arcana dahil malaki ang atraso mo sa kanila." Sagot ko naman.

"Kaya kong pabagsakin ang mga Aldous kaso kung gagawin ko 'yon, makakalaban ko pa rin ang Arcana at Ashworth."

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon