Date Published: March 22, 2021
Pagkapasok namin si Aisha sa loob ay may nakasalubong kaming isang lalaki. Nang nakita niya si Aisha ay agad siyang lumapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"I've been worried about you, Valshe." Sabi niya at agad akong kinabahan dahil baka siya 'yong Zoren na tinutukoy ng iba.
"T-tama na." Tinulak siya ni Aisha at yumakap sa 'kin. Nilapitan siya ni Valer at hinampas sa hita.
"Valer." Tumigil siya agad at sumimangot.
"He wants to steal mommy." Rinig kong bulong niya at may narinig akong ingay.
"Daddy! Mommy!" Sigaw nila Viktor at tumakbo palapit sa 'min ni Aisha.
"Nice to see again, Ash." Napatingin ako sa bumati at nakita ko si Vidal. Napangiti ako sa kaniya.
"Kamusta?" Tanong ko. "I'm fine." Sagot niya at napatingin sa lalaking nasa tabi niya.
"Asher, he's Zoren Lacosta." Tulad ng hinala ko, siya nga 'yong Zoren. Unang tingin pa lang ay alam kong may gusto na siya kay Aisha.
"Kuya..." Niyakap ni Aisha si Vidal at napayuko dahil sa mga bata. Hinihila kasi nila 'yong damit ko.
"Don't worry, maglalaro tayo mamaya." Nakangiting sagot ko at nagsipalakpakan sila.
Maya-maya lang ay dumating na si Mr. Aldous at may kasama siyang isang babae.
Hula ko 'yong kasamang babae ay ang asawa niya at nanay nila Aisha. Napatingin si Aisha kay Mr. Aldous at agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Hubby, 'wag mo kong ibibigay sa kaniya. Baka kunin niya ulit ako mula sa 'yo." Nagtago siya sa likod ko.
"Ayaw talaga sa 'yo ng anak mo. Sinabihan na kita dati pa eh." Komento ni Mrs. Aldous.
"I know. She hates me now." Napabuntong hininga si Mr. Aldous. Napalingon ako kay Aisha.
"Wife, hindi ka niya kukunin. Makikipag-usap tayo, remember?" Tumango siya at ngumiti ako.
"Kids, playground muna tayo habang nag-uusap pa sila." Sabi ng isang pamilyar na babae.
"Happee?" Lumingon siya sa 'kin at ngumiti ng todo saka lumapit.
"Kuya crush bakit hindi ka tumupad sa usapan natin no'n? Akala ko ba makikipagkita ka sa 'kin?" Kumunot ang noo ko.
"Huh?"
"Nag-promise ka sa'kin five years ago na magki-kita tayo ulit." Inisip ko 'yong mga pinagsasabi niya ngayon.
Nakita kong sumama na ang tingin niya sa 'kin dahil sa hindi ko maalala ang sinasabi niya.
"Kasama mo si kuya Orion no'n." Napatingin ako sa kaniya nang naalala ko na 'yon.
"I'm so sorry if I forgot that. Naghahanda kasi ako para sa kasal namin ni Aisha no'ng time na 'yon." Paliwanag ko.
"Kasal?" Lumungkot ang mukha niya.
"Kasal ka na? Bad." Ngumuso siya at naglakad na paalis saka niyakap si Vanlierre
"Akala ko ikaw na ang para sa 'kin, hindi pala." Naramdaman kong mas lalong himigpit ang pagkakayakap ni Aisha sa braso ko.
"Akin lang si Asher. Asawa ko na siya." Mariing saad naman ni AIsha at napabuntong hininga ako.
"Bata lang 'yan, Aisha. 'Wag mo nang patulan." Pagsita ko at mas lalo niya kong niyakap.
"Pasok tayo sa loob para makapag-usap ng maayos." Sumunod kaming lahat at pumunta sa sala.
![](https://img.wattpad.com/cover/202925427-288-k723985.jpg)
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...