Date Published: February 13, 2021
CHAPTER 27.
THIRD PERSON
Nandito sila Ark sa isang underground base na pinagmamay-ari ng congressman at pinagpapapatay nila lahat ng mga taong nandoon.
"Walang ititirang buhay at wala dapat makatakas kahit isa." Sabi ni Ark at binaril na niya ang isang lalaking nasa kanan niya.
Pinasok lahat ng mga tauhan ang iba't ibang mga kwarto na nandoon. Kailangan nilang patayin lahat para maging ligtas si Aisha.
May isang babaeng lumapit kay Ark at may binulong ito sa kaniya. Napabuntong hininga siya at tumango.
"I see. Kung gano'n, nahanap na nila si Valshe. Mas dapat tayong maging handa at hindi dapat natin sila hayaang makalapit." Komento ni Ark.
"Mas dapat nating padaliin para mahanap ang congressman at para patayin na din siya." Sabi pa ni Ark.
"Pagkatapos natin dito, hahanapin ulit natin ang congressman. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya napapatay." Utos ni Ark at tinuloy na nila ang pagpatay sa mga tao sa kinaroroonan nila.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nandito naman sila Vidal at Orion sa isang grocery store para bumili ng mga gulay at prutas para kay Aisha.
"I remember the time no'ng pinagbu-buntis pa ng asawa mo si Vash. Ganoto din tayo noon." Komento ni Orion.
"Yeah. I'm happy that you're always here helping though. You're the best friend that I ever have." Sagot naman ni Vidal.
"Yeah. You're always there for me too. Kaya tama lang na nandito din ako sa tuwing kailangan mo ng tulong." Sagot naman ni Orion.
Kumuha si Orion ng dalawang pack ng calamansi at nilagay sa push cart. Kumuha na din siya ng mga strawberry.
"Let's go to a wet market after this. Mukhang wala dito 'yung ibang prutas at gulay eh." Pag-aya ni Vidal.
"Sure. For now, ikutin na muna natin ang buong grocery." Sagot naman ni Orion at kumuha naman siya ng dalawang pa lemon.
"Seriously? Ang dami agad ah?" Hindi makapaniwalang saad ni Vidal nang nakita niya ang laman ng push cart nila.
"What? Ganiyan naman tayo lagi sa tuwing namimili tayo para sa mga buntis." Komento ni Orion at napa-iling na lang si Vidal.
"Fine. As long as she's safe. That's fine." Wala nang nagawa si Vidal kundi ang hayaan na lang.
•*•*•*•*•*•*•*•*•*
Nakapila na silang dalawa habang hinihintay umusad ang pila nang may nakitang bubblegum si Orion at kinuha niya 'yon.
"I thought that hate gums?" Tanong ni Vidal. "Just for now." Simpleng sagot ni Orion at nilagay sa push cart.
Habang naghihintay ay may nakita si Orion na medyo pamilyar para sa kaniya. Agad niya 'yon kinalabit at lumingon sa kaniya ang taong 'yon.
BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomansaAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...