Chapter 42 | Asher.

164 5 0
                                    

Date Published: March 20, 2021

Kumunot ang noo ko nang may nabasa akong impormasyon sa papel. Sumandal ako sa upuan at napa-isip.

"Efraim Sancha - a congressman and also a leader of a drug syndicate. Taga-protekta ng mga drug lords at nai-inlove din siya sa prostitution." Pagbasa ko.

"He is one of the most powerful congressmen here in the country. Marami siyang koneksyon from the underground." Sabi ni Aldrich.

"May mga reports about him circulating in the internet pero agad itong nawawala dahil sa binayaran niya ito." Sagot naman ni Aldrick.

"There are also reports saying that siya mismo ang mga nagbe-benta ng drugs sa iba't ibang tao."

"Matagal na siyang gustong hilihin ng mga pulis pero dahil sa matindi ang kapit ay nababalewala ito at pinapatay niya ang mga pulis na tuma-target sa kaniya."

"Pero paano niya nakilala si Aisha? Walang nakalagay dito." Tanong ko.

"Aldous is one of the most powerful and richest families in the whole world. May isang event si tito Vaughn wherein invited ang lahat." Paninimula ni Aldrich.

"Invited ang iba't ibang pamilya, business partners and even the people from the government. Doon nakilala ni Efraim si Val."

"Unang tingin pa lang ay nagustuhan na agad niya si Val pero dahil may gustong iba si Val which is Zoren from the Lacosta, she rejected him." Napayuko ako.

Paano kaya kung makilala o makita ulit ni Aisha 'yong Zoren? I can't lose her. I love her at hindi ko kayang mawala siya at ang mga bata.

"I'm sorry but that's the truth. Bago mo pa siya makilala ay may gusto siya kay Zoren." Tumango ako.

"Pero dati na lang 'yon. Siya na ang mahal ko at hindi na magbabago 'yon." Mahinang saad ni Aisha at napangiti ako ng palihim.

"I'm fine. I understand." Tumayo ako at lumabas muna sa kwarto. Napasandal ako sa pader at napa-isip.

Ito ang kinakatakutan ko sa lahat. Paano kung bumalik ang nararamdaman niya para sa kaniya at iwan ako?

Alam kong lagi niyang sinasabi sa 'kin na hindi niya ko iiwan at sa 'kin lang siya pero hindi ko kayang hindi mag-alala.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa hagdan. Nasaan kaya sila ngayon? Gusto ko sanang magpasalamat sa kanila.

Napatigil ako mula sa paghahanap nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at kinuha ko 'yon mula sa bulsa.

Napapikit ako nang nakita ko 'yong number ni Mr. Aldous. Shit. Mas lalong nalintikan na.

"Mr. Aldous I can-"

"No need to explain. I just want to know if my daughter is okay or safe?"

"She's fine at chine-check up po siya nila Aldrich at Aldrick sa kwarto. I'm so sorry." Sagot ko.

"No. No need to apologize. It's our fault dahil pinatakas pa namin sila no'ng nahanap namin sila." Sagot niya.

"Thank you for protecting her all these years, Mr. Reonal. Give us more time to finish this."

"Yes, Mr. Aldous. I understand." Sagot ko at binaba na 'yong cellphone ko. Huminga ako ng malalim.

One Cold Night (Aldous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon