Date Published: June 22, 2020
CHAPTER 21.
AISHA'S POV
Nilabas ko na 'yong ginawa kong Mango Pie at napangiti ako nang nagandahan ako sa gawa ko.
Dalawang Mango Pie ang ginawa ko para 'yong isa ay kay Asher at 'yong isa ay para mamayang gabi.
Ilalagay ko na lang siya sa ref para hindi masira o mapanis. May nakita kasi akong box kanina na pwedeng paglagyan ng pagkain kaya ipapadala ko na lang kay Asher.
Kukunin ko na sana 'yong box nang napatigil ako bigla. Paano ko nga ipapadala sa kaniya kung hindi ko alam ang address?
Nakapunta na ko doon dahil kat Selle pero hindi ko nakita o naitanong 'yong address.
Paano na 'yan? Biglang lumungkot ang mukha nang nalaman kong hindi matitikman agad ni Asher 'yong ginawa kong Mango Pie.
Napatingin ako sa sala nang may narinig akong nagbukas ng pintuan. Nagtago na muna ako at nakita ko si Selle.
Mukhang galing siya trabaho ngayon ah. Akala ko kung sino at nagtago pa ko. Sa bagay, hindi naman sila makakapasok dito kung hindi aila kilala ng mga bantay.
Napatingin ako sa hawak niyang isan pack ng asin at agad akong lumapit sa kaniya at kinuha 'yon.
"Buti may asin na. Salamat po." Kahit na hindi pa siya nakakasagot ay kinuha ko agad 'yong asin mula sa kaniya at bumalik na sa kitchen.
Naramdaman kong sumunod siya sa'kin at umupo siya sa upuan habang pinapanood ako.
"Ang sabi ni sir. Asher sa'kin ay bantayan kita, miss. Kung may kailangan po kayo, ako na po ang gagawa para sa inyo." Tumango ako. Lagi naman niya kong binabantayan kaya sanay na ko.
Nilagay ko na sa loob ng box 'yong Mango Pie para maipadala na kay Asher at hindi siya magutom.
"Kung gano'n, pakidala po 'tong box kay Asher. Pakisabi kainin niya dahil ginawa ko 'yan para sa kaniya." Inabot ko 'yong box at kinuha naman niya 'yon.
"Siya lang ang pwedeng kumain ah. Hindi niya pwedeng ipamigay." Paalala ko at tumango siya.
"Sige, miss. Ako na po ang bahala dito." Nakangiting saad niya at naglakad na paalis.
"Ingat po, kuya." Pahabol kong saad sa kaniya at nagpatuloy lang siya sa paglalakad paalis.
Napatingin na ulit ako sa ginagawa ko kanina at niluto na ulit 'yon dahil sa may asin na. Magtitira nga ako para kay Asher mamaya.
ASHER'S POV
Tapos na ang meeting at minamasahe ko ang leeg ko dahil sa masakit ito. Masyado akong napagod kahit na nakipag-usap lang ako.
"Stress ka na, anak." Sabi ni dad nang sumabay siya sa'kin.
"Ang dami niyo pong sinabi pero konti lang 'yong naintindihan ko." Sagot ko at natawa siya.
"Ganiyan din ako dati no'ng tinuturuan pa ko ni dad. Kaya nga paunti-unti niya kong tinuruan eh." Komento niya.
"Kaya po ba gano'n din ang ginagawa niyo sa'kin ngayon?" Tumango siya at inakbayan ako.

BINABASA MO ANG
One Cold Night (Aldous Series #1)
RomanceAsher Reonal is one of the top businessman in the world. One night he encountered someone in his way home. When he saw an unconcious lady on the creek, he saved her then took care of her while she's still unconcious. What if one day when she wake up...